Mag-a-alas kuwatro na rin ng bumalik ang team na kasama niya sa hotel para naman sa dinner. Bitin man ang karamihan ay kailangan na rin nilang bumalik dahil palubog na ang araw. Nag suhistiyon naman ang mga tour guides doon na maganda din at mag-eenjoy sila sa mga bar at cafe sa paligid ng hotel.
Mas minabuti na lang munang bumalik si Sandra sa hotel niya saglit para mag-shower at makapagpalit ng damit bago siya maghanap ng kakainan o tatambayan pansamantala habang pinapatay ang oras.
Palabas na sana siya ng kwarto ng 'di niya maiwasang tingnan ang cell phone niya sa bedside table. Naisip niya din kasi kanina pa, na baka kino-contact siya ng mga co-doctors and nurses niya. Alam naman ng mga ito na nasa bakasyon siya pero 'di pa din minsan naiiwasang tawagan o itext siya kapag may mga tanong ang mga ito lalo na kung emergency o tungkol sa pasyente niya. Nagpakawala na muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago damputin ang kanyang cellphone.
Hindi nga siya nagkamali, ilang segundo pa lamang kasi pagkatapos niyang i-power on ang telepono niya ay sunod-sunod na ang messages niya.
'Di na rin siya nagtaka ng biglang nag-flash sa screen niya ang number ng secretary niya. 'Di ito tatawag sa kanya kung hindi emergency dahil ito ang laging bilin niya dito. Nagpakawala na muna ulit ng buntong-hininga ang dalaga bago ito sagutin.
"Hello, Doc Sandra?"
"Ma'am pasensya na po kayo. Alam ko pong nasa vacation pa po kayo kaya lang may importante lang po akong kailangang i-discuss sa inyo..." Bungad sa kanya ng secretary niya sa ospital na si Felicity.
"Okay lang Felicity. Kamusta na pala diyan?"
"Ma'am okay lang naman po dito. You don't have to worry about the incoming patients Doctora. Kilala niyo naman po si Doc Ella..." tukoy nito sa kanyang malapit na kaibihan.
"Mabuti naman. Pabalik na rin naman ako dyan bukas. I'll be catching my plane 8am in the morning tomorrow. Ilagay mo na lamang sa table ko lahat ng kailangan kong pirmahan."
"Ma'am hindi po sana ako tatawag sa inyo dahil ayoko naman pong masira ang bakasyon ninyo. Nagmessage na din po ako kagabi sa inyo. Kaso kaninang umaga nagbago na naman ang schedule ng meeting niyo with the director of cardiology department."
"What about it?" Nagtatakang tanong niya habang naka-kunot ang noo.
"'Yung meeting po kase na dapat ay settled na for Monday ay na-move bigla bukas after lunch. May emergency flight po kasi si Doctor Rivera papuntang LA at hindi na daw pwede pang i-move for re-booking."
Napahigpit ang hawak ni Sandra sa cell phone niya. Isa kasi ito sa pinaka-ayaw niya. Iyong pabago-bago ng desisyon at 'yong pabigla-biglang schedule.
"Kinausap ko na po si Doctor Rivera tungkol dito, kaso wala na rin po kasing available dates bago ang flight niya dahil nasa bakasyon din po kayo..."
Pinipigalan niyang mainis sa naririnig niya. Kung hindi lang niya senior at kung hindi direktor ng Cardiology Department si Doctor Gavin Rivera, ay baka tinawagan na niya ito para siya mismo ang kumausap.
"It's okay. I know you did your best to fit with his schedule. Aabot naman siguro ako dahil 8am ang departure ko. At kung walang magiging problema e nandyan na ako before 12noon."
"Anyway Felicity, just prepare everything that I need for the meeting with Director Rivera, assure that the files I need that day is on my table para hindi na tayo magmadali pa. I also need my finalized schedule for this week. Kailangan kong maayos lahat dahil wala ako sa Saturday for medical team orientation." Dinaan na lamang niya sa buntong-hininga ang inis.
"I already prepared everything Doc. Pasensya na po ulit sa istorbo." Paghingi ulit nito ng paumanhin sa kanya.
Felicity is working as her secretary for almost 3 years at wala naman siyang masasabi sa sipag at dedication nito sa trabaho. Never din itong na-late maliban na lamang kapag talagang may importante itong kailangang asikasuhin. Bukod sa masipag ito ay mabilis din ito mag-isip lalo na sa mga sitwasyong kagaya nito. Ito lang din ang nakakatagal sa pagiging toxic ng ilan sa mga matatagal ng doctor na kasama niya. Lalo na ang mga senior doctors na may iba-ibang ugali na kahot siya ay napipikon minsan.
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomanceProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...