Masayang kumain ng family dinner ang buong pamilya ni Sandra kasama si Jann. Alas otso na nang matapos ang mga ito sa walang sawang kwentuhan at pag-interview kay Jann.
Hindi maikakaila na gustong gusto ng mga ito si Jann para kay Sandra. Lahat na rin ata ng tanong ng mga ito ay nasagot na ni Jann lalo na at kanina pa umiinom ang mga ito. Natigil lamang iyon nang nagkayayaan na na kumain muna ng dinner.
Si Sandra naman ay umahon na rin kanina pa at nagpalit na muna dahil bigla itong gininaw. Ang kanyang Kuya Gian naman at Kuya Walter ay bahagya na ring lasing dahil nakarami na ang mga ito na hindi maawat kanina.
Pagkatapos magligpit ni Sandra kasama ang kanyang Ate Malou ay naabutan niyang nakaupo pa rin si Jann habang nakatingin sa mga pamangkin niyang walang sawang nagtatampisaw sa pool kasama ang mga ama nito. Naligo ang dalawa para daw mabawasan ang pagkalango ng mga ito.
"You are drunk. You better soak in the pool para naman mabawasan ang epekto ng alak sa katawan mo." Komento ni Sandra na umupo sa katabing upuan nito.
"I'm okay, love." Mas lasing ang Kuya Gian mo, kanina pa siya nagsasayaw habang hinahabol ng asawa niya sa pool." Natatawang sabi nito.
"I told you to stop calling me that. I have my name." Sagot niya sa binata.
"Let me, I'd love to call you that everyday."
"Lasing ka na nga." Naisagot na lamang niya dito.
"I am serious, Sandra." Tumingin ito sa kanya at hindi nag-alis ng titig hanggat hindi niya ito nililingon.
"Why me, Jann? Of all the girls you've met and saw in that island. Marami naman doong babae. Mas magaganda at mas sexy."
"Kailangan ba may rason? I like you before we even talk and drink that night. I already fall for your masungit and dagger-like eyes before it happened to us." Slang pa nitong sabi.
Hindi na niya kailangang itanong dito ang tinutukoy nitong 'it' dahil alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito. Ilang buwan na rin iyong nangyari pero bahagya pa rin siyang naiilang kapag naaalala iyon o 'di kaya'y nababanggit nito ang nangyari nang gabing iyon sa kanila.
"Bakit napaka-bolero mo?" Gusto niya itong panlakihan ng mata pero nang masalubong niya amg mapupungay nitong mata na dala na rin ata ng alak ay tinaasan na lamang niya ito ng kilay.
"I'm just being honest, love. You catch my breath away when we accidentally see each other on that island. After that, hindi na nawala ang mukha mo sa isip ko."
"Kahit pa 'yang paraan ng pagtingin mo at 'yang pagiging masungit mo. It remains in my head."
"You are drunk. You better clean up and sleep." Tatayo na sana siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Mabilis naman niya iyong tinanggal nang tila may kuryenteng dumaloy nang dumikit ang balat nito sa balat niya.
Naramdaman niya ang init ng katawan nito na tumulay sa kada himaymay ng katawan niya. Kung sa iba nga ay baka inisip na niya na may sinat o lagnat ito dahil sa init ng kamay nito.
"Please, stay a little bit, love."
Humalukipkip naman siya sa harapan nito. "Bakit ba kasi nakipagsabayan ka pa kina Kuyang uminom? Alam mo bang hindi basta basta nalalasing 'yang mga 'yan?"
"Nakikita mo ba 'yang itsura mo? Pulang pula ang mukha mo na para kang sinampal ng sampong babae, and your eyes..."
"Ohhh, you are looking in my eyes." Nakangiting sabi nito.
"No! I am not looking." Pagtatanggi niya.
"It's okay, love. But you know what?" Tumingin ito sa kanya.
"I am happy meeting your family. I'm starting to like them."
"W-what do you mean?"
"That we would be a good couple someday. I want the relationship that your family have, specially your parents. They look perfect together."
Napa-angat ang labi niya sa sinabi nito.
"G-ganyan na ba ang epekto ng alak sa 'yo?" Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba nang marinig ang sinabi nito.
"You know that I'm not that drunk. Yes, my head is kind of spinning but I'm okay, alam ko pa naman ang mga sinasabi ko."
"Did my father ask you to say that to me? Did they ask you anything that's why you are saying things like that?" Deretsong tanong niya dito.
"No, they never ask me anything or tell me that for me to say it to you. It's what my heart saying to you, Sandra. That I like you."
"I... I don't know, Jann... Hindi mo pa ako gaanong kilala. Ganoon din ako sa 'yo. Kaya hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga sinasabi mo."
"Knowing your family is enough for me," tumitig ulit ito sa kanya.
"I really like you, Sandra."
Napipil ang sarili niyang bibig dahil sa narinig dito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sa sinabi nito.
"Hey, future couple! Hindi ba kayo maliligo sa pool? Hindi gaanong malamig ang tubig ngayon."
Hindi nila napansin ang paglapit ng dalawang kapatid ni Sandra na basang basa ang katawan.
"Kuya, tuyo na ako. Di na ako mal----"
"Kuya, ano ba?!" Walang nagawa si Sandra ng buhatin siya ng dalawang bruskong kapatid niya ay pinagtulungang buhatin hanggang makarating sa pool.
Nagtitili si Sandra dahil basang basa na rin siya dahil sa dalawang kapatid. At lalo pa siyang napatili ng sabay sabay silang tatlong bumagsak sa swimming pool.
Si Jann naman ay napa-iling na lamang na sumunod sa tatlo. Lasing na rin kasi ang dalawang kapatid nitong lalaki kaya mahaharot na rin.
Nakita pa niya kung paanong habulin sa pool ni Sandra ang mga kapatid na mabilis namang lumangoy para makalayo sa kanya.
"I'm gonna kill you two!" Gigil na sambit nito.
"Wala na akong damit, eh! Nakakainis!" Muling reklamo nito.
Si Jann naman ay hinubad na rin ang suot na t-shirt at itinira na lamang nag board shorts nito bago lumusong na rin sa tubig.
Tumatawa namang umalis na ang dalawang kapatid nito na kinuha na ang mga anak para magbanlaw dahil halos alas nuwebe na rin ng gabi.
Binabaybay na ni Sandra ang pool para sana umahon ng may yumakap sa bewang niya.
"J-Jann, w-what are you doing." Ramdam na ramdam niya ang init ng mga bisig nito kahit na nakababad sila sa pool.
"Let's talk, love." Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa bewang niya. She can feel his warmth.
''H-here? Why don't we---"
''Yes. Right here. Mag-uusap tayo. And I'm not letting you go kaya naman 'wag ka nang magreklamo."
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomansProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...