Chapter 18 D

142 2 0
                                    

"May dumi ba ako sa mukha, Miss Olivarez?" Tanong ng binata habang nakatingin kay Sandra na nakatitig lamang sa kanya. Kunway hinarap pa nito ang rear mirror saka sinipat ang sariling mukha sa salamin.

"What are you saying again?" ulit na tanong ni Sandra sa lalaking kaharap niya. Gusto niyang malaman kung namali lamang ba siya ng rinig o baka naman nagbibiro lamang ito para makuha ang atensiyon niya dahil kanina pa niya ito iniiwasang kausapin.

"Date me and have your breakfast, lunch and dinner with me." Wala sa mukha ni Jann ang bahid ng pagbibiro dahil seryoso na rin itong nakatingin sa babaeng kausap.

"Why are you saying that?" Puno ng pagtataka ang mga mata ni Sandra.

"Saying what?"

"A... about me, dating you. And why should we e-eat together?" nauutal na tanong niya.

"Because I want to know you more, to---"

"You don't know me that well yet. You just saw me on that island and we just talked for almost less than a day. Then we stop seeing each other." Salubong ang kilay na sabi ni Sandra sa binata. "How could you possibly say that you wanted me to date you and ask me to eat with you everyday?"

Nagbawi naman ng tingin si Jann saka umayos ng upo. "That's why I want you to go out with me and talk. Let's try to get to know each other." Kapagdakay nilingon na naman niya ang hindi makapaniwala sa narinig na si Sandra.

"I want to know more about you, Miss Olivarez. I don't know why, but something is telling me to ask you on a date and get to know you more."

"Kung iniisip mo ay 'yong nangyari sa Sibale island, forget it. I told you I already moved on from what happened dahil alam ko naman na may kasalanan din ako. There's nothing to be guilty of dahil hindi naman kita sinisisi sa nangyari."

"I do not regret what happened. And I'm not just inviting you out just because of what happened on that island." Walang kakurap-kurap na sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni Sandra.

"Then what? I don't understand, why asking me out?" Siya na mismo ang nagbawi ng tingin dahil tila natutunaw siya sa mga titig ni Jann.

"Gusto ko lang. I want to know more about you. That's all."

"Iyon lang? Seryoso ka ba? No! We can't date!"

"What do you mean 'no, we can't date'?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanya. "You are not married, are you?"

"No!" Inirapan nito si Jann. "Do you see any rings on my finger?" Itinaas pa nito ang kamay para ipakita ang tinutukoy nito.

"Then, let's date. Wala naman palang magagalit. I'm single, too. I guess dating is fine." Hindi na nagdalawang isip pa itong nagsalita saka binuhay ulit ang makina ng sasakyan.

"Ayoko nga! Okay ka lang ba? Kaninang madaling araw lang tayo nagkita ulit tapos ngayon sasabihin mo sa akin na mag-date tayo?"

"I am serious. Now, let me drive okay?" Sabi nito saka pinatakbo ang mustang nito na lulan sila.

Natahimik na lamang naman si Sandra sa passenger seat habang nag-iisip ng sasabihin sa lalaki. Nawe-weirduhan siya dito dahil sa mga sinabi nito kani-kanina lang.

"J-Jann..."

"Kung tatanungin mo lang ako ulit kung seryoso ba ako, I am serious. Kahit pa ilang beses mo akong tanungin walang magbabago sa sagot ko." Hindi ito lumingon sa kanya pero nakikita niya ang pag-ngiti nito habang nakatingin sa kalsada.

Tumikhim saglit si Sandra saka nagsalita ulit. "Kung iniisip mo na easy-girl lang ako kagaya ng iba dahil lang sa mga nangyari sa isla, diyan ka nagkakamali."

"I never think that way towards you."

"Good. Maganda nang malinaw. Saka hindi dahil papayag akong lumabas sa 'yo ngayon ay sasama na ako sa'yo anytime na gusto mo. I have my work and I'm very busy para unahin ang makipag-date sa iyo."

"I know that."

Tahimik na sumadal na lamang si Sandra sa upuan habang tutok pa rin naman sa pagmamaneho si Jann. Nang maramdaman ni Sandra na halos 30 minutes na rin pala silang nasa kalsada ay saka na lamang ito nagsalita.

"Where are we going? I have to be home by 4pm because I have some important things to do."

"I want to bring you in one of my favorite Italian restaurant, we're almost there." Sinulyapan lang siya saglit ng binata saka ibinalik ang mata sa kalsada.

"We can just eat anywhere. Kaysa naman lunayo pa," labi nito na inirapan pa ang lalaking katabi. "I'm not that picky when it comes to foods."

"Bakit ba ang bilis bilis mo mainip? Wala pa ngang isang oras na magkasama tayo eh. It's our first date, and I want this to be special."

"Whatever. For me it's normal to just eat it out for formality. We're not even friends yet. Saka ano pa ba ang pag-uusapan e lahat naman nang kailangan nating pag-usapan ay kanina pa natin na-settle." Nagpapalatak na sabi nito. Uwing-uwi na rin kasi siya dahil hindi siya kumportable na magkasama sila sa isang confined space.

"So, you're agree in dating me?"

"Wala akong sinasabing ganyan." Tinapunan niya ito ulit ng masamang tingin habang ang binata naman ay aliw na aliw sa mga reaksiyon niya. Nagawa pa nitong ngumiti ng pagkatamis tamis na tila hindi man lang iniisip ang pagsusungit niya kanina pa.

"We started as friends, right? And for you to know Doctor Olivarez, we are already dating, It's our first date you see." He smiled.

"We are just talking. I agreed because I have no choice but ride this car of yours! Kung hindi ka ba naman kasi tumigil sa harapan ko at hindi ako pinagbuksan pa ng pinto, sa palagay mo sasama talaga ako sa'yo? And how could this be a date when it looks like you are forcing me!"

"You look even more beautiful when you are mad." ibang sagot nito na tila bingi sa mga sinasabi niya.

Ikinataas ng kilay ni Sandra ang sinabing komento ni Jann na nakangiti sa gilid. "I have no time fot this, J! Di ako kagaya ng mga babae diyan sa tabi-tabi na kaunting bola mo lang eh kikiligin na lamang at malalaglag ang pant---" napatutop siya sa salitang muntik nang lumabas sa bibig niya. Mabuti na lang at agad niyang nakagat ang sariling labi. She feels this chili-red feeling again on her cheeks. Lalo na nang makahulugang ngumiti sa kanya ang lalaki na nagpakawala pa ng mumunting halakhak na pinipigilang lumabas sa bibig nito.

"What again? Nalalaglag ang?" Humalakhak ito. "You really are so cute, Miss Olivarez." He chuckled while trying to focus his eyes on the road. Napa-iling pa ito na saglit ulit na sumulyap sa kinauupuan ng dalaga na ngayon ay pulang pula na ang mukha.

"Just drive!" Singhal pa ni Sandra nang makita ulit ang paglingon sa kanya ng binata habang siya naman ay pilit na kinakalma ang sarili.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now