Chapter 24

116 1 0
                                    

Pabalik balik na naglalakad si Sandra sa kanyang kwarto na tila asong naiihi habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.

Umuwi siya nang mas maaga kaysa sa usual na oras niya dahil talagang antok na antok siya kanina at nakakailang balik na rin siya sa cr dahil sa pagduduwal. Dahilan iyon ng pagkain ng matalik na kaibigang si Ella na naiwan pa ang amoy niyon sa kanyang opisina. Nagdahilan na lamang siya kanina at mabilis na umalis ng ospital.

Habang nagmamaneho ay kabang kaba siya dahil sa samu't-saring punapasok sa isip niya. Tila baliw na rin siya dahil tila sirang plaka na nagpi-playback sa tainga niya ang sinabi ni Ella na baka buntis siya.

Marami na siyang nilagpasang drug store ngunit talagang mas pinili niyang magtungo sa bandang Las Piñas para doon maghanap ng drug store kung saan niya puwedeng bilhin ang pakay niya. Karamihan kasi ng drug store sa paligid ng Parañaque area ay kilala siya ay ayaw niyang may makaalam nang nais niyang bilhin.

Ang pregnancy kit.

Napapakagat labi siya sa tuwing naiisip niya ang isang posibilidad na ayaw niyang mangyari. Ayaw niyang magkatotoo ang sinabi ng kanyang kaibigan. Pinipilit niyang isaksak sa utak niya na imposible iyon. Na hindi iyon pwedeng mangyari.

Pero sa likod ng kanyang isip, dahil na rin sa pagiging doktor niya ay alam niyang posible iyon.

Na hindi iyon imposibleng mangyari.
Ang mabuntis siya dahil lamang sa isang one-night stand.

Kahit isang beses lamang iyon naganap ay alam niya sa sariling posible parin siyang mabuntis.

At para matigil na ang kursiyudad at gumugulo sa isip niya ay minabuti na lamang niyang lunukin lahat ng natitirang kaba at lumakas ang kanyang loob para lamang bumili ng dalawang pregnancy kit. Iyon na nga at ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nang gamitin niya iyon at nagmamadaling iwanan sa bathroom bago lumabas.

She's afraid to look at the result. Natatakot siyang baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit sa puso kapag nakita niya ang resulta sa mga kit na iyon.

"No, no, no! Please, Lord. Don't do this. Please. Please. Please!" Pagsusumamo niya habang naglalakad sa loob ng kwarto at naka-cross finger pa.

Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya kayang sabihin sa sarili na mag-relax lang at kumalma dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang puso niya sa pagkabog.

Paano na lamang kapag buntis nga siya? Ano na ang gagawin niya? Paano niya maitatago iyon o di kaya ay sasabihin sa mga tao sa paligid niya lalo na at alam naman ng buong mundo na wala talaga siyang boyfriend o manliligaw man lang. Ano ang gagawin niya?

Baka ikabaliw niya iyon!

"No! Hindi! Hindi posible 'yon. That was just one night and I am too drunk. I can't get pregnant!" Pilit niyang sinasabi sa sarili.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang makarinig siya ng sunod-sunod na doorbell. Bigla siyang natigilan dahil sa narinig na paulit ulit na chime. Tila sumasakit ang ulo niya dahil sa tunog niyon kaya nagdadabog na tinungo niya ang pintuan.

Nabungaran niya anv nakangiting kaibigan na si Ella.

"Okay ka na ba? I was bothered. Maaga ka raw kasing umalis sabi sa ospital kanina." Mabilis pa nitong nahawakan ang kanyang noo para tingnan kung nilalagnat ba siya.

"I-im fine. Anong ginagawa mo dito?"

"Anong 'anong ginagawa ko dito'? Malamang para bisitahin ka. Dito ako matutulog, duhh!" Mabilis itong maarteng naglakad papasok at tinungo agad ang ref niya para buksan iyon.

"W-wait! Anong dito ka matutulog? Akala ko ba may lakad ka ngayong gabi kasama ang mga pinsan mo?"

"'Di na tuloy. Bukas na lang daw. Isa pa bigla din akong tinamad. Ayaw mo no'n nandito ako. Saka parang gusto kong uminom." Sabi nito matapos lagukin ang binuksang mineral water galing sa refrigerator niya.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now