Chapter 3

193 4 0
                                    

Piniling umupo ni Sandra sa labas ng coffee shop kung saan malaya niyang natatanaw ang napakaraming bituin na 'di niya maiwasang tingnan. Bukod kase sa magandang ambiance ng lugar ay magandang spot ito para sa mga taong ayaw sa maingay na paligid na siyang kailangan niya ngayon. All she needs today is silence and peace to calm her mind kahit ngayon lamang. Alam niya kasi na pagbalik niya sa Manila ay babalik din lahat lahat ng stress na naghihintay sa muli niyang pagbabalik. Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata saka malayang nilanghap ang sariwang hangin sa dalampasigan.

Um-order na lamang siya ng isang dark coffee na madalas niyang inumin lalo na kapag nasa duty siya sa ospital. Pagkatapos niya ulit tumingin sa kalangitan at tahimik na paligid ay doon na niya sinimulang buklatin ang dalang libro para basahin ito.

At dahil sa tahimik na lugar na 'yon kaya di na niya halos napansin ang paglipas ng oras. Kung 'di pa siya napatingin sa relong pangbraso niya ay di niya malalamang halos dalawang oras na pala siyang naaliw sa pagbabasa. Kaunti nalang din ang napapansin niyang tao sa coffee shop kaya naman pagka-tiklop niya sa libro ay tumayo na rin siya para bumalik sa hotel niya.

Bukas naman ang huling araw niya sa islang ito kaya naman dapat ay lubos-lubusin niya na ito. Bigla na naman siyang nainis ng maalala ang nangyari kanina at ang lalaking bastos at pakialamerong sumira ng hapon niya.

Pinilit na lamang niyang 'wag itong isipin at magfocus na lamang sa mga dapat niyang gawin bukas ng buong araw. At para naman masulit niya ang stay niya sa islang ito bago pa man siya makabalik ng Manila. May mga nakita pa kase siyang bar at seafood resto na gusto niya pang subukan kung di lang siya pagod. Halos naubos din kase ang oras niya dahil sa pagkalibang niya sa pagbabasa kanina.

Pagkapasok niya sa kwarto ng hotel na tinutuluyan niya ay wala na siyang sinayang pa na oras. Nag-shower na siya agad para makatulog na din agad. Halos alas onse na rin naman at marami pa siyang balak gawin kinabukan. Sumulyap pa siya sa cell phone niya na naka-patong sa ibabaw ng kama niya. Simula ng dumating siya sa isla ay pinatay niya na iyon at balak niya na lamang buksan ito ulit pagkabalik ng Manila.

Kinabukasan naman ay maagang nagising ang dalaga. Wala na rin siyang sinayang pang oras dahil naka-schedule siya para sa maagang tour sa paligid ng isla. Kasabay niya ang ilan sa mga baguhan din at dayo dito para magbakasyon kagaya niya. May mga ilan-ilan ding foreigner kasama ang pamilya nila at ang iba naman ay kaibigan. Natuwa pa siya dahil sa napansing creative designs ng mga bangkang de motor na gagamitin nila sa paglilibot ng isla. Humanga siya sa malikhaing pagguhit ng mga lokal na alam niyang siya ding nagdisenyo nito.

She learned a lot about the island and people living here. How they survive the day and also how tourist afftect their small community. Bago kasi siya magpunta sa isla na ito ay nag-research siya ng bahagya para ma-familiarize niya kahit papaano ang lugar. Na-amaze lalo siya ng malibot nila ang paligid ng isla. Bukod kasi sa tahimik at medyo malayo ito sa ibang isla ng Romblon ay napaka-ganda nito. Idagdag mo pa ang napaka-linaw na tubig dagat nito kung saan tanaw na tanaw mo ang mga corals at mga isda, pati ang mapuputing buhangin sa ilalim. Kung hindi nga lang siya kailangan sa ospital ay siguradong mag-e-extend pa siya para mas malibot at ma-enjoy ang lugar na ito.

Pagkatapos naman ng tour ay may kinainan silang floating rest house kung saan halos tumulo ang laway niya sa pagka-takam sa mga pagkaing nakita niya. Lahat na ata kasi ng klase ng seafoods ay nakahain na, pati ang mga gulay at prutas na kuha mismo sa isla. Pagkatapos naman nilang magpahinga ng kaunti ay dinala na sila ng tour guide nila sa isa sa mga white sand beaches nila para makapag-picture taking at swimming na rin. Gustuhin man niyang mag-scuba diving kagaya ng ilan ay mas pinili na lamang niyang panoorin ang mga ito dahil pagod na rin siya sa paglilibot.

Habang nakangiting nanonood sa mga nagsi-swimming ay nahagip ng mata niya ang isang tumpok ng grupo na may kung anong pinagkakaguluhan. Nang tingnan niya itong mabuti ay napansin niyang tila may naaksidente ata o kung ano man dahil sa taong nakahiga sa buhangin. Ibabaling na sana niya ang kanyang mata sa dagat para ituloy ang pagtitig sa magandang tanawin ng maulinigan niya ang lalaking sumisigaw na umagaw nang atensiyon niya.

"Is there any nurse, a doctor or medical staff here?" Palingon-lingon ito habang nagsasalita.

She wanted to ignore what she heard but it seemed like her conscience was prodding her, so she heard herself talking. "What happened?"

"There's a man bleeding, nadulas siya sa bato habang naliligo, are you a nurse?" Tanong nito sa kanya habang magkasabay silang naglalakad patungo sa lalaking nakaupo.

"I'm fine, no worries. It's just a little cut." narinig niya pang sabi nito.

"Give us space." Agad namang dumistansya ang ilang nakapalibot sa kanila. "What happened?"

Nakangiti lang naman ang lalaki habang nakatingin sa kanya. "It's just a little cut, I'll be fine."

Nang hindi siya sumagot dito habang tinitingnan ang mga galos nito sa paa ay nagsalita na din ito ulit. "I accidentally slipped. May nga naka-usli kasing  oysters dun sa batong inapakan ko."

"And you're bleeding." Sagot ni Sandra na tiningnan siya saglit.

"Does it look bad?" Tanong ng lalaki sa kanya habang tinitingnan ang dumudugong paa. Siya naman ay kinapa-kapa ang dalang bag saka inilabas doon ang mineral water saka ang white t-shirt na di pa niya nagagamit.

"You'll live. This is just a minor cut. But I'm sure it will leave a mark even it healed." Ibinuhos ni Sandra sa paa nito ang isang bote ng mineral water na hawak niya. "This will reduce the risk of infection."

"Ahw! Ff..." pigil na bigkas ng lalaki ng maramdam ang bahagyang pagkirot ng sugat.

"If you're home or arrive in your hotel, apply a thin layer of an antibiotic ointment or petroleum jelly to keep the surface moist and help prevent scarring or atleast lessen." Ibinalot niya sa paa nito ng maayos ang white t-shirt na hawak niya. "Don't worry, I'm a doctor. This shirt is clean." Tumango naman ito nang makita niya na tila may pagtataka sa mata nito.

"Certain ingredients in some ointments can cause a mild rash in some people. If a rash appears, stop using the ointment." Tumayo si Sandra habang nakatingin pa rin sa paa ng lalaki.

"Change the dressing atleast once a day." Ngumiti siya bago tumalikod.

"Can I atleast get your name Doc?" Pahabol ng lalaki.

"You're welcome." Pagkasabi nito ay kumaway na lamang siya habang naglalakad palayo.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now