Pasado alas diyes na nang matapos ang monthly meeting ng Cardiology Department na in-attendan ni Sandra. Naglalakad siya pabalik ng kanyang opisina nang sabayan siya ng kaibigang si Ella.
"What is your problem, Ellaiza Marie?" Sita ni Sandra sa kaibigan ng tingnan siya nito ng nakakaloko.
"Come on, tell me something about this Jann De Vaux guy. How did you two meet again?"
"What about him?" Kunwa'y balewala na sagot niya sa kaibigan.
Halos 'di siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa mga sinabi ni Jann sa kanyang ama nang aksidenteng makita sila nito na kumakain sa isang restaurant. Nadagdagan pa iyon ng tawagan siya ng kanyang Mommy para magtanong ng tungkol kay Jann at sabihin na nasa bahay daw ito na malamang ay kinaladkad ng kanyang ama para doon uminom.
Big deal iyon sa kanya dahil alam niya kung paano mag-isip ang mga magulang lalo na ang kanyang ama na siyang gustong gusto nang ipakilala at ipakasal siya sa kung sino. Lalong sumakit lang ang kanyang ulo sa kakaisip kung paano ilalayo ang lalaking iyon sa kanyang pamilya lalo na at nakarating na iyon sa bahay nila.
Sinadya niyang magpaalam agad sa kanyang ina nang tumawag ito kagabi at sinadya niya ring huwag tumawag at 'wag sagutin ang mga tawag ng mga magulang na nakailang missed calls na sa cell phone niya simula pa kaninang pagmulat ng kanyang mata.
She needs to talk to Jann.
She needs to get rid of him and ask him to leave her alone."Hey!"
"W-what?" Nagulat na sagot niya nang bigla na lamang humarang sa daanan niya si Ella.
"Ang sabi ko, gaano mo na ba talaga katagal na kilala 'yong si Mr. De Vaux at kung nanliligaw ba siya sa 'yo? Ano bang iniisip mo? "
"Nako ha, iba na 'yan." Muling sabi nito na nakatingin sa kanya.
"I told you, Ella... He was just a friend, nothing more."
Nilagpasan nito ang kaibigan at naglakad na papasok ng opisina nito. Sumunod naman kaagad si Ella at hindi siya tinigilang kulitin.
"I don't believe you, Lessandra. I know that there's something weird that is going on in both of you."
"Wala ka bang trabaho? Marami pa akong gagawin." Pag-iiba niya ng usapan.
"Nah. Dra. Lopez got it covered. Mamayang 1pm pa ang duty ko for operation. Inaantay ko lang ang pinabili kong pagkain kay Felicity then I'll leave for the Philippine Heart Center para doon sa request na kailangan ni Dr. Rivera."
"Wait! 'Wag mo ngang iniiba ang usapan, bes. Ano nga? Wala ka bang sasabihin sa akin?" Pangungulit nito.
"I have nothing to tell you, Ellaiza Marie." Sagot na lamang niya habang nakaharap sa desktop at may binabasa doon.
"I don't believe you, Tita Josephine called me early this morning just to ask about you."
Napatingin siya sa kaibigan nang marinig ang sinasabi nito. "What did she say to you?"
"Secret."
"Ano nga? Saka ba't siya tumawag?" Nakakunot ang nuong tingin niya sa kaibigan.
"See? Why suddenly interested? Ano ba dapat ang sasabihin o itanong ni Tita Josephine?"
"Whatever, Ella. Wala kang mapipiga sa 'kin. I am not hiding anything."
Humalukipkip ang kaibigan at naupo sa harapan niya. "Boyfriend mo na 'yong poging Jann na 'yon tama ba?"
"No! Agad-agad? Nakita mo lang dito sa opisina ko, boyfriend ko na agad? Mukha ba akong masayang nakita 'yon dito?"
"It doesn't matter if you are happy or excited to see him. His eyes is sparkling while looking at you. From there, I know there is something in this guy that you are not telling me about."
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
Storie d'amoreProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...