Chapter 1

602 21 8
                                    

“Oy, Nixie!” natigil siya sa pagsusulat sa kanyang notebook nang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa pinto ng classroom. Napangiti siya ng makita kung sino ang mga ito – sina Yessil at Sheena – classmate and at the same time, mga kaibigan niya.

Nilapitan nila si Nixie. “Nakapag-fill up ka na ba sa binigay na course major inquiry form?” tanong ni Yessil na tila confused.

“Naku, hindi pa nga eh. Kayo?” tanong ni Nixie sa dalawa.

“Hindi rin.” Parang maiiyak na naupo si Yessil sa tabi ni Nixie. “Hindi talaga ako makapag-decide kung anong major ang kukunin ko.”

 

“Parehas lang tayo. Undecided pa rin.” Natatawa namang sagot ni Nixie.

“Ako rin. Hehe.” Sambit naman ni Sheena. “Ay siyanga pala, narinig niyo na ba yung balitang nag-audition daw sa isang singing contest ‘yung isang girl from Education Department?”

 

“Tama. Pero hindi siya pinalad sa top 10.” Dugtong naman ni Yessil.

“Wow. Napakalakas naman ng kanyang loob.” Namamangha namang sabi ni Nixie.

“Hay… kung nabiyayaan lang sana ako ng mas cute na mukha at mas sexy-ing katawan, magmo-model na lang sana ako.” Lumabi si Sheena sabay upo sa tabi ng dalawa. Natawa naman ang dalawang kaibigan niya sa expression nito.

Sina SHEENA at YESSIL ay mga kaibigan ni NIXIE ESTEBAN mula pa noong high school students sila. Hindi lang pala basta kaibigan – mga best friends niya ang dalawa. Mula noong magkapalagayang-loob ang mga ito, palagi na silang magkakasama.

Sa katunayan nga, bago sila grumaduate ng high school, napagkasunduan na nilang sa iisang University na lang sila mag-enroll. Para hindi sila magkakahiwalay at pumayag naman ang bawat isa.

Nang mag-enroll sa course na Bachelor of Arts o AB si Nixie, sumunod na rin sa course na iyon ang dalawa. Ang dahilan nila, mas marami daw pagpipilian sa course na iyon pag kukuha na sila ng ime-major o specialization.

Kaya ngayon, problemado sila kung anong major ang nais at ipo-focus nilang pag-aralan. Pero first year pa lang naman sila kaya okay lang na saka na lang isipin pag malapit na.

“Nix, di ba magaling kang kumanta? Ayaw mo bang mag-shift sa College of Music?” tanong ni Yessil. “Dun nanggaling ang mama at ate mo, di ba?”

SeventeenWhere stories live. Discover now