Chapter 22

46 7 2
                                    


"I have no plans of ever letting you go again."

Iyon ang huling sinabi ni Kaiser bago nabalot ng katahimikan ang hotel room nila ni Nixie. Napatitig naman ang dalaga sa sahig. Tila tinitimbang ang bawat bagay na sinabi nito sa kanya.

Naghihintay ng sagot ko si Kaiser...

How do I feel...?

Naikuyom ni Nixie ang kanyang kamay sa kanyang suot na damit. Inisip niya ang lahat ng bagay na dapat ikonsidera upang maging maayos at hindi siya mag-regret sa kung anumang maging desisyon niya.

"It's true..." mahinang wika niya na nakaagaw sa atensiyon ni Kaiser.

Ibinaling ni Nixie ang kanyang tingin nang maramdaman niyang nakatitig muli si Kaiser sa kanya. Tila nagaalangan itong magsalita subalit kailangan niyang sabihin ang totoong nararamdaman nito.

"... na ang una nating pagkikita ay hindi maganda. Sa una pa lang pinagdudahan na kita at hindi pinagkatiwalaan. Pero sa dinami-rami ng tao sa mundong ito, ako 'yung nakita mo..." pagpapatuloy ni Nixie.

"Kahit na wala akong maibibigay na kapalit, binigyan mo pa rin ako ng pagkakataon upang ma-enjoy ko ang pagkanta. At palagi mo rin akong pino-protektahan..." huminga ng malalim ang dalaga.

Ang tanging nakakaalam sa totoong saloobin ko ay walang iba kundi,

Ako...

At walang masama sa tunay kong nararamdaman!

Hinarap ni Nixie si Kaiser. Tiningnan niya ito sa mga mata. Huminga ng malalim saka nagsalita.

"So that's why I want to be with you, Kaiser... forever." May matibay na determinasyon sa boses ni Nixie ng deklarasyon nito.

Nagulat si Kaiser subalit agad din iyong napawi at napalitan ng saya. Napangiti siya ng taos sa puso.

"I won't let you take back what you just said." Sabi ni Kaiser sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

Gumanti rin ng yakap si Nixie. Masaya ito sa naging desisyon niya para sa future niya at future nilang dalawa.

Kahit na going 17 pa lang ako,

Hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon kong manatili sa tabi niya...

Si Kaiser ang unang kumalas nang bigla itong may maalala.

"That's right, your parents should be here any moment." Sabi niya rito. "So we need to tell them everything that we just talked about."

"Okay," sagot naman ni Nixie.

"And there's still one more thing that I have to tell you," tumayo si Kaiser.

Nagtaka naman si Nixie kung ano 'yun.

"Pwede ka bang maghintay doon," itinuro ni Kaiser ang di kalayuang bintana, nakatakip ang kurtina roon. "...while facing that way with your eyes closed?"

Nagtataka man ay sinunod pa rin ni Nixie ang sinabi ng binata.

Ano kayang binabalak niya?

Maya-maya pa ay narinig niya ang tugtog ng gitara. Nagulat siya sa kanyang narinig subalit ipinagpatuloy na pakinggan ang pamilyar na tugtog no'n.

Hah?! Ito 'yung kanta ng HERONS eh!

Hindi naman sa hindi magaling si Kaiser pero katunog na nito 'yung original!

So, talagang may connection siya sa grupong 'yon?!

Mabilis na lumingon si Nixie.

"Kaiser! Gaya nga ng hinala ko, may connection ka talaga sa grupong HERONS!" bulalas niya.

"Yes, that's right." Sagot naman ni Kaiser.

Nag-pause siya sa pagtugtog.

"Instead of saying that I have some kind of connection with the group," sabi ni Kaiser. "I am from the group HERONS."

"What...?" halos pabulong na sambit ni Nixie. "What... did you... just say? You're joking, right?"

Hindi makapaniwala si Nixie sa sinabi nito sa kanya.

"No, it's the truth." Wika naman ni Kaiser.

At nang hindi pa rin mag-sink in kay Nixie ang lahat ng iyon, sinabi nan i Kaiser ang mas lalong gugulantang sa dalaga.

"The vocalist from the group HERONS that you said that you liked so much..." seryosong sabi ni nito. "...was ME."

Parang nahulog ang puso ni Nixie sa narinig na rebelasyon mula sa binata. Hindi niya inakalang ganoon kalakas ang magiging epekto nito sa kanya.

"N-noooooooooooooooo!!!" sigaw nito sabay tago sa kurtina. Binalot niya ang sarili sa loob nito.

No way!

No way!

No way!

Ang pinakagusto kong vocalist ay si Kaiser?!

Na-shock din si Kaiser sa naging reaksyon nito sa sinabi niya. Taliwas sa inaakala niyang reaksyon ang nakuha niya mula sa dalaga.

"No..." pabulong na ulit niya.

Naglalaro sa isipan ni Nixie ang unang encounter nila noon ni Kaiser. Namula ng husto ang buong mukha niya.

At talagang kinanta ko pa sa harap niya 'yung kanta nila!

No way... nakakahiya ako!

At pinagsabihan ko pa siya dati ng rude comments!

"Hey, Nixie." Tawag ni Kaiser.

Sumilip naman si Nixie mula sa kurtina. Namumula ang mukha nito at nakatingin ng masama sa binata.

"Bakit mo itinago sa'kin ang importanteng detalye na 'to ng mahabang panahon?! Nag-enjoy kang pagtawanan ako, diba?" galit na may himig pagtatampo at pagkapahiyang sabi ni Nixie.

"Sabi ko na nga ba't isa kang malupit na pervert!"

Kumunot ang noon i Kaiser.

Pervert...?

"Even if you say that, it couldn't be helped," sagot naman ni Kaiser. "Since you adored me so much that I didn't want to disappoint you and I just couldn't bear telling you..."

Tumalikod muli si Nixie. Lumapit naman roon si Kaiser hanggang sa yakapin niya roon ang dalaga.

"And besides, I didn't want you liking me just because I was the vocalist from HERONS." Pagtatapat ni Kaiser.

Napaisip si Nixie dahil doon.

So, Kaiser also thinks like that...

Biglang lumabas mula sa kurtina si Nixie. Napagtanto ni Kaiser na kumalma na rin sa wakas ang dalaga. Hinarap siya nito.

"Now that I think about it, naka-destined na magtagpo tayo, diba?" wika ni Nixie saka yumakap ng buong pagmamahal sa binata.

Sinagot lang siya ni Kaiser ng mahigpit ding yakap. Sapat na iyon upang malaman nitong sumasang-ayon ito sa sinabi niya.

If there really is something called fate...

Then this would be it!


A/N: Pasensiya na po kung medyo rush ang chapter na 'to. Kung may mga mali po, please tell it to me through your comments. Maraming salamat po sa pagbabasa!

SeventeenWhere stories live. Discover now