Chapter 2

205 18 5
                                    

Ang bilis naman ng oras...

 

Palubog na naman ang araw at oras na para umuwi ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay. Samantalang ako... may part-time job!

 

"So, Nixie... talaga bang pupunta ka sa part-time job na 'yon simula ngayon?" tanong ni Darren sa kanya habang naglalakad sila palabas ng gate ng kanilang university.

Parang depressed na tumango lang si Nixie rito. "Di ba parang masyadong kahina-hinala naman yun?!" nag-aalalang tanong ulit ni Darren.

"Meron ba talagang ganon kamahal na glasses ?" tanong naman ni Yessil. Nag-aalala rin ito para sa kaibigan.

"Hindi ko rin talaga alam..." umiling-iling si Nixie.

Natigil lang sila sa kanilang pag-uusap nang mapansin nilang may pinagkakaguluhan ang ibang mga students sa side ng university gate.

"Sino'ng lalaki 'yun?"tanong ng isang estudyante sa katabi nitong estudyante rin.

"Aba, malay ko. Andiyan na 'yan nung dumating ako rito. Pero ang cute niya ha." Sagot naman nito na kinilig pa sa huling sinabi.

"Uy, ano'ng meron?" singit ni Nixie subalit agad din itong natahimik nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

Napalitan ang seryosong mukha nito ng kaaya-aya at nakangiting mukha nang makita siya nito. Nakahalukipkip itong nakasandal sa kanyang naka-park na kotse. "Hello." Kumaway siya kay Nixie.

Nagpunta pa siya rito para lang sunduin ako!?

 

Nilapitan niya ang lalaki. "Ahm... makakapunta naman ako sa company mo kahit na hindi mo na ako sunduin dito." Malamig na sabi niya rito.

"Even if you say that, there are a lot of people who will never show up." Nakangiting wika ni Kaiser.

OMG! Nakakatakot ang ngiti niya... parang ngiti ng isang devil!

 

"Well, let's go." Sabi niya nang hindi na ulit nagsalita pa si Nixie.

"Okay." Napipilitang sagot niya saka mabilis na kumaway sa dalawang kasama niya. Sumakay na ito sa kotse ni Kaiser.

Nang makaalis na sila Nixie, umalis na rin ang ibang mga estudyante na sila pa rin ang pinag-uusapan. Sila – means si Kaiser – ang gwapong amo ni Nixie. Nasama lang pala siya dahil hindi alam ng mga tao ang 'relasyon' nilang dalawa.

"So, siya pala ang may-ari ng glasses..." wika ni Yessil sa katabing si Darren. "Napaka-guwapo niya at talagang pinagtitinginan siya ng mga girls."

 

"Siguro, pwedeng umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila, diba?" dugtong ni Yessil subalit natigil ito nang makita ang seryosong mukha ni Darren. Nakatingin pa rin ito sa direksiyong tinahak ng sinakyan nila Nixie at tila galit.

SeventeenWhere stories live. Discover now