Chapter 6

87 13 4
                                    


Gabi na ng makauwi sa kanyang condo unit si Kaiser. Papasok pa lang siya sa bathroom nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.


[ Telephone convo: ]


"Hello uncle?"


How are you feeling, Kaiser?

"I'm doing okay..."


How's your throat?

"It's okay. There's no need to worry."


Kaiser... I wanted to talk to you about the company

"Uncle, I'm still only 23... you said that I could continue with my music until I'm 25. And then join your company..."


Oh, yes. Anyway, nevermind...

"Okay... then I'll be going."


[end of telephone convo]


Ibinagsak ni Kaiser ang kanyang katawan sa malambot na sofa. Napatitig siya sa hawak na cellphone.


"I only have two more years..." wika niya sa kanyang sarili.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Nixie. Nasa studio na siya ng mga oras na 'yon at naghihintay sa kanyang voice coach.


Ano'ng gagawin ko?


Ano'ng gagawin ko?!


Natuklasan na siguro ni Darren kung ano'ng klaseng trabaho ang ginagawa ko!


Napahiga siya sa sofa. Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari kanina sa kanilang university bago siya makaalis. Na-corner kasi siya nito kanina.


"Ano ba talaga ang ginagawa mo doon sa part-time job mo?" pagu-usisa nito sa kanya.


"Hah?!" gulat namang bulalas ni Nixie.


"Nire-search ko 'yung lalaking sumundo sa'yo nong isang araw at napag-alaman kong isa pala talaga siyang sikat na music producer." Sabi ni Darren. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa'kin? Ano ba talagang ginagawa mo?"


"Ah... k-kasi... ganito 'yun eh..." nauutal na sabi ni Nixie.


At sa bandang huli ay nasabi rin niya kay Darren ang buong kuwento sa likod ng kanyang part-time job. Hindi man nito agad naintindihan subalit agad na niya itong iniwan kanina. Kumbaga, tinakasan na niya ito.

SeventeenWhere stories live. Discover now