Chapter 21

34 7 2
                                    



"You can write whatever you want to write about us... because we have not done anything wrong."


Iyon ang mga binitiwang salita ni Kaiser sa press media'ng nakapalibot sa kanila. Ikinagulat iyon ng lahat pati na rin si Nixie.


Tinitigan siya ng dalaga na para bang nagtatanong kung bakit niya ginawa iyon. Nangangamba siyang baka mas makasira sa reputasyon nito ang ginawang hakbang ng binata. Subalit walang bahid ng panghihinayang o pag-aatubili ang mabubuo sa mukha niya. Determinado siya sa naging desisyon.


"Mr. Lear! Can we take what you just said as admitting that the article is accurate?" tanong ng isang naka-glasses na reporter.

"Ito ba ay patunay na ang kasalukuyang girlfriend mo ay si Miss Nixie Esteban?" tanong naman ng isa pang lalaking showbiz writer.

"Please tell us more in detail!" giit naman ng iba pa habang patuloy sa pag-flash ng kanilang mga camera.

"I will go into more detail about this at a later point in time so..." wika ni Kaiser. "Please excuse us."


Kahit mapilit ang mga reporters at cameramen, wala na silang nagawa nong sabihin iyon ni Kaiser. Nais pa sanang habulin ng mga ito ang dalawa nang paalis sila na subalit naging maagap si Dylan.


Mabilis na hinarangan sila ng mga security guards na tinawag niya. Sinubukan rin nilang interview-hin si Dylan subalit tumanggi itong magbigay ng saloobin tungkol sa issue nina Kaiser at Nixie.


----------------------------------------------------------------------------


Napabuntung-hininga si Nixie pagkalabas ng recording room.

Hay salamat at natapos rin 'yung recording ng show nang walang problema...

Mabuti rin at wala silang tinanong tungkol sa nangyari kanina, kundi lagot! Hindi ko alam kong anong isasagot ko pag nagkataon!


Naglalakad na siya nang mamataan niya ang si Kaiser na nakatayo sa di kalayuan. Hinintay pala siya nito. Ang akala niya ay ihahatid lang siya rito.

"Kaiser!"

"Natapos niyo na bang i-record 'yung para sa show?" tanong nito sa dalaga ng makalapit ito sa kanya.

"Oo." Tipid na sagot ni Nixie.

"Did they ask you anything?" muling tanong nito sa kanya.

"Nothing out of the ordinary." Sagot naman niya rito.

"I see, then that's good." Sabi ni Kaiser.

Naunang maglakad sa kanya si Kaiser. Tahimik namang nakasunod si Nixie nang magsalitang muli ang binata.

"Our company told me that the reporters are probably at our houses, so we will stay in a hotel they booked for us." Wika nito.

Tumango-tango naman ang dalaga.

"And..." tumigil sa paglalakad ito.

Napatigil rin si Nixie sa pagsunod sa kanya. Nagtataka ito kung bakit bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad. Nilingon siya nito at tinitigan sa mga mata.

SeventeenWhere stories live. Discover now