Chapter 11

52 11 3
                                    


"Okay guys! That's a wrap!" sigaw ng director nang matapos ang huling scenes para sa music video ni Nixie.



"Thank you for working hard!" bati naman ng mga staffs sa bawat isa kasali na roon si Nixie.



Gusto pa sanang tumulong ni Nixie mag-ayos ng mga gamit subalit pinauna na siyang bumalik sa dressing room ng mga staffs. Nagbilin kasi si Kaiser na pagkatapos ng shooting ay paunahin na siya dahil may pupuntahan pa silang dalawa.



Nasa dressing room na si Nixie nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. Galing kay Kaiser ang text message na nagsasabing


Dinner.

Will wait for you.


Maigsi lang yung text pero tumaas bigla ang excitement ni Nixie kaya nagmadali itong magpalit ng kanyang damit. Inayos ang sarili saka mabilis na lumabas ng dressing room.


Magdi-dinner kami ni Kaiser !


Palabas na siya nang biglang tumambad ang isang tao sa kanyang harapan. Napahinto siya bigla saka mabilis na napaatras.



"Oy, Nixie! Wag ka namang obvious na takot ka sa'kin." Asar na wika ni Dylan.



"Paanong hindi! Eh, baka kung ano na naman ang gawin mo gaya nung unang beses na magkita tayo!" sabi ni Nixie habang nakataas ang dalawang kamay na tila handa na itong lumaban.



"Oo na. Sige na. Sorry na. Wala akong gagawin sa'yo." Sabi naman ni Dylan.



Kumalma si Nixie.


"Bakit na nandito, Dylan?" kapagkuwan ay tanong ni Nixie.


"Hah? Siyempre pumunta ako dito para manood ng shooting ng music video mo." Sagot ni Dylan.


Bahagyang iginala-gala ni Dylan ang kanyang paningin sa loob ng building. Tila may hinahanap itong tao. Nagtataka man si Nixie ay hindi naman niya nagawang magtanong kung bakit.


"Uuwi ka na ba?" baling nito sa kanya.


"Oo naman." Sagot ni Nixie.


Sumilid ang pilyong ngiti nito. "Eh di hatid na kita!"


"Hindi na kailangan! Kasi lalabas kami para mag-dinner ni Kaiser!" diretsahang sabi ni Nixie rito.


"Sayang naman..." sabi ni Dylan na tila nagtatampo. "Ah, since si Sir Kaiser naman ang kasama mo, sasama na lang ako sa inyo para mag-dinner na din."


"Hindi puwede!" protesta ni Nixie.



Subalit nakasunod pa rin sa kanya si Dylan habang naglalakad ito palabas.


Naku talaga 'tong taong 'to!


"Ikaw ba si Nixie Esteban?" biglang tumambad sa kanyang harapan ang isang babae.


"Ako nga..." nagtatakang sagot niya rito.


Pinagmasdan siyang mabuti ng babae na tila ine-examine ang buo niyang pagkatao.


"Napaka-swerte mo talaga..." sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi ng babae. "To make your debut dahil lang sa kamukha mo ang ex-girlfriend ni Sir Kaiser!"



"Hah?" tanging nasambit ni Nixie na tila nanlamig ang buong pagkatao dahil sa narinig.


Mabilis na hinila siya sa kamay ni Dylan. "Nixie, wag kang makinig sa mga sinasabi ng babaeng 'yan!"


"P-pero..." naguguluhang sambit niya.


"Ni hindi mo pala alam na kamukha mo ang ex-girlfriend niya. Lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay iyon ang sinasabi tungkol sa'yo!" patuloy ng misteryosang babae.


Binalingan siya ni Dylan at binigyan ng isang nagbababalang tingin.


Nagulat ang babae. "B-bakit ka nandito Dylan?"


Hindi siya sinagot ni Dylan. "Nixie, umalis na tayo dito."


Tahimik lang si Nixie kaya nagpaubaya siya sa paghila sa kanya ni Dylan. Nalilito kasi siya sa mga narinig mula sa babae.


Subalit bago pa man sila makaalis ni Dylan ay nagsalitang muli ang babae. Tila desperada itong guluhin ang isipan at damdamin ni Nixie.



"At 'yung ex-girlfriend niyang 'yon ay kasama ni Sir Kaiser sa isang banda noon! At siya ang vocalist!" sigaw nito. "Oo, naiinggit talaga ako sa'yo kasi kailangan ko pang magpakahirap para lang makilala sa industriyang ito samantalang ikaw, bigla na lang napili dahil kamukha mo ang ex-girlfriend niya!"



Dahil sa sinabing iyon ng babae ay tila biglang nag-sink in kay Nixie ang lahat ng nalaman at narinig niya.



Isa lang ba akong replacement ng ex-girlfriend ni Kaiser?!

SeventeenWhere stories live. Discover now