Chapter 9

61 10 2
                                    

Ano 'yun?


Ano'ng ibig sabihin non?!


Nakakainis talaga si Darren!


Patuloy pa rin sa pagtakbo si Nixie kahit na nakalayo na ito sa kanilang school. Nag-shake-shake pa siya ng kanyang ulo dahil sa inis nito sa kaibiganng nag-confess sa kanya kanina.


Kahit na matagal na kaming magkaibigan...


Bakit ngayon ay nagsasalita na siya ng mga ganoong bagay?!


Saka lang siya tumigil nang marating na nito meeting place na napag-usapan nila ni Kaiser. Pinakalma niya ang sarili upang maging maayos siya sa kanilang pagkikita.


Naalala niyang muli ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Darren kanina. Napahawak siya sa kanyang braso. Bigla siyang nalungkot.


"Kung kailan namang nagdesisyon na akong magtiwala kay Kaiser..." naibulong niya sa kanyang sarili. "Gusto ko nang makita siya..."


Ilang sandali pa ang lumipas subalit wala pa ring Kaiser na dumarating. Inilabas niya ang kanyang cellphone. Sumimangot siya ng makita ang oras roon.


Ano ba 'yan?


Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa siya na-late?


Abala siya sa pagtingin-tingin sa magkabilang direksyon sa mga taong dumaraan. Baka kasi paparating na roon si Kaiser at gusto niya itong pagalitan kahit pakunwari lang ba.


Kaya hindi nito napansin ang lalaking dumating sa kanyang likuran. Bigla siya nitong tinapik sa balikat. Nagulat si Nixie dahil ang inaasahan niya ay si Kaiser na iyon.


"Kaiser!" bulalas nito sabay lingon.


Subalit iba pala sa kanyang inaasahan ang makikita niya rito. Nagtataka at nagtatanong na facial expression ni Nixie ang humarap sa estranghero.


"Ikaw ba si... Miss Nixie Esteban?" tanong ng lalaking matangkad.


Spiky ang hairstyle nito na bumagay sa kanyang tangkad at body built na hindi gaanong payat at hindi rin gaanong malaki. Katamtaman lang at nakasuot ito ng jacket na may hood habang nakasabit sa kanyang likuran ang isang gitara. Gwapo ang lalaking iyon.


Sino ba 'tong lalaking 'to?


Bakit alam niya ang pangalan ko?


"Yes..." sagot niya rito.


Tiningnan siyang mabuti ng lalaki. Para siyang kinikilatis nito sa kanyang intense na tingin. Saka tila na-disappoint ang mukha nito.

SeventeenWhere stories live. Discover now