Chapter 20

36 7 2
                                    


Humahangos nang makarating sina Dylan at Kaiser sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Halos hindi siya makahinga sa eksenang nadatnan nila. Pakiramdam niya, may mabigat na nadagan sa kanyang dibdib nang makita ang mga pasaherong tinutulungan ng mga rescuers.


The place was in total mess.


Nagpapanic na silang dalawa ni Dylan sa kakahanap kay Nixie. Napupuno ng iba't ibang klase ng sigaw ang iyak ang lugar na mas lalo pang nagpakaba sa kanila.


"Nixie!" sigaw ni Kaiser habang naghahanap. "Nixie!"


Minabuti nilang maghiwalay na maghanap ni Dylan. Nagprisintang maghahanap at magtatanong si Dylan sa mga rescuers at police na naroon. Samantalang si Kaiser ang naghanap sa lugar kung saan dinala ang ibang mga pasahero.


"Nixie!" walang humpay nitong sigaw.

Ilang minuto na rin ang lumipas at wala pa ring makitang 'Nixie' ang dalawa. Mas lalong tumitindi ang takot at kabang nararamdaman ni Kaiser habang tumatagal. Nagiging desperado na rin ang bawat pagtawag nito sa pangalan ng dalaga.


Why?

Why did I say that to her?


Pagsisisi ang lumukob sa kanyang isipan. Nag-flashback sa kanya ang araw na nagtalo silang dalawa noon. Ang araw kung saan napagsabihan niya ng masasakit na salita ang dalaga.


I only want to protect you....

That's why I said all those awful things to you...

And yet,

In the end, I still hurt you!


Huminto saglit si Kaiser sa kanyang paghahanap. Nais man niyang huwag huminto upang magpahinga subalit may limitasyon ang katawan ng tao. Huminga siya ng malalim.


I'm an idiot!

I didn't tell you how I really felt for you when I had the chance...


Nang maramdaman niyang naipahinga na niya ng konti ang mga paa, nagsimula na naman ulit itong tumakbo, sumigaw at maghanap sa dalaga.


I want to see you once more!


And tell you I didn't mean what awful things I've said...

I want to tell you how I truly feel...


"Nixie!" patuloy nitong sigaw kahit na medyo nagda-dry na ang lalamunan nito sa kakasigaw.


So, please...

Please be okay...


Hindi namalayan ni Kaiser kung saan na siya itinungo ng kanyang mga paa dahil sa desperado nitong paghahanap. Pakiramdam niya, parang nilalamon na siya sa dami ng taong naroon. Subalit may naka-agaw sa kanyang mga mata.

SeventeenWhere stories live. Discover now