Chapter 8

66 12 3
                                    


Humahangos papuntang classroom si Nixie. Male-late na kasi ito sa kanyang lakad. Kung bakit ba naman siya pa ang tinawag ng kanilang instructor upang tumulong sa kanya papunta ng administration building. Kaya naiwan niya tuloy ang bag sa classroom.


Pagbukas niya sa pinto ng classroom ay nagulat siya sa nadatnan niya roon.


"Darren?" gulat na sambat niya rito.


Napatingin lang sa kanya ang seryosong mukha ng binata. Nakaupo ito sa mismong tapat ng bag ni Nixie. Tila hinihintay talaga siya nito.


"Ano'ng meron? Bakit ka nandito?" tanong ni Nixie rito habang palapit ito sa kaibigan.


"Hinihintay kita, Nixie." Diretsong sagot ni Darren.


"Ako?" nagtatakang sambit niya.


"Pupunta ka na naman ba sa part-time job mo?" kunot-noong tanong ni Darren.


"Ah, hindi kasi wala akong work ngayon." Sagot ni Nixie.


"Then, since it has been a while, can we hang out?" sabi nito.


"Ah... pasensya ka na pero nakapag-promised na kasi akong makipagkita kay Kaiser ngayon eh." Sagot naman niya habang inaayos ang mga gamit.


Kumunot-noo ulit si Darren. "Kaiser... pero kakasabi mo lang na wala kang trabaho ngayon?"


"Oo nga. Kasi hindi naman dahil sa trabaho kung bakit kami magkikita..." sabi ni Nixie. "Kasi, we're dating!"


Kulang ang salitang nagulat upang mailarawan ang naging reaksiyon ni Darren. Kaya hindi na niya napigilan ang sariling lumakas ang boses. "That guy is taking advantage of you!!!"


"Ha?" sambit ni Nixie sabay baling sa kaibigan. Seryoso ang titig nito sa kanya.


"Hindi mo pa siya lubusang kilala at nasa Showbiz industry pa siya! Hindi niya seseryosohin ang ordinaryong babaeng kagaya mo... Nixie, ginagamit ka lang niya para makuha ang gusto niya!" sabi ni Darren.


Napatitig sa ibaba si Nixie. Naikuyom nito ang kamay upang mapakalma ang sarili bago ito nagsalita. "Sa una, ganoon din ang inisip ko tungkol sa kanya... pero nag-decide akong paniwalaan at pagkatiwalaan siya... k-kaya..."


Bigla siyang niyakap nang mahigpit ni Darren. Nagulat siya sa ginawa ng kanyang kaibigan subalit hindi agad siya nakapag-react.


D-Darren?!


"Nixie... mas matagal kitang gusto kumpara sa taong iyon. Hindi kita hahayaang mapunta lang sa isang taong kagaya niya..." wika ni Darren. "I LOVE YOU, NIXIE."

SeventeenWhere stories live. Discover now