Chapter 15

47 10 3
                                    


Why is he going with that girl...

When he has me?!

Why...


Iyon pa rin ang paulit-ulit na tanong ni Nixie sa kanyang sarili. Kahit na maguumpisa na ang programa, okupado pa rin no'n ang isipan nito habang nakatitig kina Kaiser at Eloisa. Nasa stage na ang mga ito at inihahanda na ang mga instrumentong gagamitin sa performance ni Eloisa.

Matapos mag-sound check ang mga technician, naiwan na ang magpe-perform na si Eloisa kasama si Kaiser.

"I'm Eloisa Medina and I will be making my debut on 20th with Mr. Kaiser's song." Wika ni Eloisa. "And just for my performance, Mr. Kaiser will be playing the guitar."

"And now sing your song for us!" sabi ng director.

Ngumiti si Eloisa. "Okay!" saka binalingan si Kaiser.

Nag-start na ang intro ng kanta.

Umpisa pa lang ay napahanga na ni Eloisa ang mga taong naroon. Panay tuloy ang bulungan ng iba kung gaano ito kahusay at kagaling sa pagkanta. Puro papuri sa dalaga ang naririnig ni Nixie sa paligid nito.

Naikuyom ni Nixie ang kanyang palad. Masamang-masama ang loob nito sa mga nangyayari. Gusto niyang maiyak habang pinapanood ang dalawa subalit pinipilit niyang patatagin ang kanyang sarili.

Bakit gumawa siya ng kanta para sa ibang babaeng magde-debut din sa araw ng debut ko?

Bakit hindi niya sinabi sa'kin?

Sa isiping iyon ay biglang naalala nito no'ng araw na magkasama sila at masayang-masaya.

Bakit wala ka sa tabi ko ngayon?

Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Tuluyan na ring napaluha si Nixie.

That place...

That place beside Kaiser is where I belong...

Nang matapos ang performance ni Eloisa, tinawag na agad si Nixie upang magperform. Nakatayo na siya sa stage nang ipakilala siya ng announcer.

"And next is another girl making her debut on the same day as Eloisa Medina and her debut song is also produce by Mr. Kaiser. Nixie Esteban's song is already popular from the commercial." Sabi ng announcer. "Please sing."

Nagsimulang tumugtog ang kanyang kanta. Nakalampas na sa intro ang kanta subalit hindi pa rin nagsisimulang kumanta si Nixie. Nakatulala pa rin ito.

Napuno ng bulungan ang paligid. Nagtataka ang mga tao kung ano'ng problema niya. Kung bakit hindi siya kumakanta. At kung bakit parang na-estatwa ito sa stage.

Walang anu-ano'y bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Nixie.

I can't....

Sing after seeing them together...

Pinunasan niya ng kanyang kamay ang mga luha subalit patuloy pa rin ito sa pagtulo. Napatungo siya ng kanyang ulo.

"Ano'ng problema? Nine-nerbyos ka ba kaya hindi mo kayang kumanta?" tanong ng isang crew.

"Magkaiba talaga sila dun sa naunang babae." Sabi naman ng isa pang crew.

"Let's have a break. We'll try it once more after you relax a bit." Wika ng director.



++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

SeventeenWhere stories live. Discover now