Chapter 10

65 11 2
                                    

"Okay, mag-start na tayong mag-shoot in 3 minutes!" sabi ng assistant director sa mga crew na nasa shooting location.


Dahil doon ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Nixie. Naka-ready na siya at naghihintay na lang ng cue mula sa director. Isho-shoot nila ang kanyang promotional debut music video at ang kanyang debut song.


May kaunting pagka- mysterious effect ang set ng location nila. At maraming crew ang abala sa pag-aayos ng mga kakailanganing props sa film.


Sa wakas, umabot na rin ako sa ganito...


At para lang sa'kin, maraming mga tao ang nagpapakahirap at nagtatrabaho ng husto.


Kahit na iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung okay nga ba talaga ako para dito...


Dahil sa taglay kong boses na gustong-gusto ni Kaiser,


Kakanta ako upang ang boses ko ay makarating sa mga taong nais akong mapakinggan!


Isang minuto na lang bago ang actual na shooting nang sabihan siya ng ilang reminders at instructions ng production crew. Nasa gilid lang si Kaiser at mataman na nanonood sa mga ito.


At nag-start na ang shooting...


[ see media box for the 'actual' music video ]


Habang kumakanta si Nixie ay panay ang mahinang bulungan ng mga crew malapit sa kinaroroonan ni Kaiser.


"She's so amazing!" wika ng isang babae.


"As expected sa isang na-discover ni Sir Kaiser." Sabi naman ng isang lalaki.


Napapangiti naman si Kaiser sa magagandang feedbacks ng iba kay Nixie. Nakaka-proud dahil raw discovery nito ang dalaga.


Ramdam na ramdam naman ni Nixie ang pagkanta ng kantang sa tingin niya ay ginawa mismo ni Kaiser para sa kanya. Ibinuhos niya ang kanyang damdamin sa pagkanta nito.


At dahil doon, biglang may nag-flashback sa isipan ni Kaiser habang pinapanood nito si Nixie. Isang imahe na medyo hawig sa istilo ni Nixie at pilit niyang kinakalimutan ang bigla na lamang sumulpot sa kanyang ala-ala.


----------------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay! We will be checking the video replay!" sabi ng assistant director.


Pagkarinig ni Nixie non ay bigla na naman itong kinabahan ng husto. Lumapit siya sa mga crew na nagche-check ng kanyang video.


Okay kaya 'yung performance ko?


"Ah, Nixie!" tawag sa kanya ng isang babaeng staff. "Nag-improved nang husto ang pagkanta mo. At damang-dama namin ang emosyon mo."


SeventeenWhere stories live. Discover now