Chapter 7

73 11 2
                                    


"Since we are dating now, I'm going to start calling you just by your first name, Nixie." Nakangiti pang wika ni Kaiser sa nakatulalang dalaga.


Hindi siya sinagot ni Nixie. Napahawak lang ito sa kanyang bibig. Mapula pa rin ang kanyang mukha at nandilat ang mga mata nito nang ma-realize ang sinabi ng kanyang boss.


My first kiss...


"You're the worst..." mahinang sambit niya.


"Nixie?" sambit ni Kaiser ng hindi nito agad nakuha ang sinabi niya.


"Huwag mo'kong tawaging Nixie!" galit na sabi niya rito saka biglang tumayo. "Hinding-hindi kita patatawarin, Mr. Lear!"


Pagkasabi nun ay bigla siyang tumakbo palabas ng silid. Binalibag niya rin ang pinto pagkalabas nito. Naiwan namang mag-isa at napabunbtung-hininga lamang si Kaiser.


"I wonder if it was too passionate for her..." sabi ni Kaiser sa kanyang sarili.


Samantala, patuloy pa rin sa pagtakbo si Nixie habang pinapahid ang kanyang mga labi. Kamuntikan na niyang mabangga ang ilang mga abalang staffs at workers sa loob ng building. Naghahanap siya ng lugar kung saan pwede siyang mapag-isa.


Ilang sandali pang takbo ay narating niya ang isang maliit na concert hall. Sarado ang mga ilaw nito sa loob kaya saktong-sakto para sa kanya. Doon siya nagtago upang pakalmahin ang kanyang sarili.


Wala naman sigurong pupunta pa rito...


Sinuri niya ang paligid bago ito tuluyang napasalampak ng upo sa sahig. Hinawakan niya ang kanyang mga binti saka parang batang nakayuko ito.


Ano'ng karapatan niyang kunin ang first kiss ko?!


Napahawak siyang muli sa kanyang mga labi. Alam niyang mapula pa rin ang kanyang mukha dahil nararamdaman pa rin niyang mainit ito.


OMG! Nasa kotse pa pala niya 'yung bag ko!


Ano'ng gagawin ko ngayon...?


Naalala niya tuloy ang unang encounter nila ni Kaiser – noong aksidente niyang matapakan at masira ang mamahaling glasses ng huli.


Naku naman...


Wala sana ako sa sitwasyong ito kung hindi ko lang natapakan yung nakakainis na glasses niya noon!


Mas hinigpitan niya ang yakap sa kanyang mga binti saka ipinatong doon ang kanyang ulo. Napapikit siya dahil sa matinding pagsisising kanyang nararamdaman.


Lumipas pa ang ilang sandali, nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto. Nanatili siya sa kinakukublian nito.

SeventeenWhere stories live. Discover now