Chapter 12

55 10 2
                                    


"Oo, naiinggit talaga ako sa'yo kasi kailangan ko pang magpakahirap para lang makilala sa industriyang ito. Samantalang ikaw, bigla na lang napili dahil kamukha mo ang ex-girlfriend niya!"


Iyon ang mga salitang gumulat kay Nixie ng biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang babae.


Isa lang ba akong replacement ng ex-girlfriend ni Kaiser?


Ano'ng ibig sabihin nito?


"Hey, you!" biglang dumating si Kaiser.


Awtomatikong nag-iba ang expression ng babae pagkakita nito kay Kaiser. Biglang lumiwanag ang mukha nito.


"Sir Kaiser!!!" masayang tawag niya rito.


Halos sabay na napabaling sa direksyong iyon sina Dylan at Nixie.


"Whose permission did you get to be here?" nakangiting tanong ni Kaiser habang patuloy itong lumalapit sa kanilang tatlo.


Mas lalong na-confused si Nixie.


Ano?


Magkakilala sila ni Kaiser?!


"Ha? Eh...kasi..." tila naghahanap ng maisasagot ang babae.


Nang makalapit ng tuluyan si Kaiser sa mga ito, humarang siya sa harapan ni Nixie. Tila pino-protektahan niya ito.


"Only authorized personnel are allowed in here. So please go home right now!" seryosong wika nito sa babae. Mahihimigan din ang galit sa boses nito.


Napaatras bigla ang babae. Namula rin ang mukha nito dahil sa pagkapahiya. Nagulat rin si Nixie dahil ito ang unang pagkakataong nakita niyang nagalit si Kaiser.


Matalim na tingin ang ipinukol muna niya kay Nixie bago ito nagsalita.


"Eloisa Medina! Tandaan mo'ng pangalan ko dahil maghaharap tayong muli!" sigaw ng babae saka mabilis na tumakbo paalis sa lugar na iyon.


Tahimik lang na nakatingin si Nixie sa papalayong si Eloisa.


Kung hindi siya kaibigan ni Kaiser...


Isa rin ba siya sa mga artists na gustong mag-debut gamit ang mga kanta ni Kaiser?


Natigil ang pag-iisip ni Nixie nang biglang magsalita si Kaiser.


"Dylan, why did you bring that girl here?" nakangiting tanong niya sa binata.


"Ah?!" bulalas ni Dylan. "Hindi... hindi ko siya dinala dito at 'di kami magkasama. Mag-isa siyang pumunta dito..." alanganing ngiti at pakamot-kamot pa ito ng kanyang ulo.


Saka biglang binalingan si Nixie.


"Ah! Nixie, ibibigay ko 'to sa'yo..." sabi ni Dylan sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Kapag nagkaproblema ka at kailangan mo nang tulong, tawagan mo lang ako."


Pagkasabi non ay nagpaalam na itong aalis. Mukhang iniiwasan niyang makausap ang galit na si Kaiser. Nakakatakot pa man din itong magalit.


"Damn it... tinakasan ako." Naiinis na sabi ni Kaiser nang makaalis na si Dylan. "Nixie, you can throw away the business card you received from him, okay?"


Sa halip na sumagot, bigla siyang hinawakan ni Nixie sa braso. Ikinagulat iyon ng binata kaya napatingin siya rito.


"Thank you, Kaiser... for helping me." Nakangiting wika ni Nixie rito.


Pagkakita sa ngiting iyon ni Nixie, agad nawala ang kanyang inis at galit. Napangiti na rin ito sa dalaga.


"Uhm, pwede ba akong magtanong sa'yo?" sabi ni Nixie.


"What?" sabi naman ni Kaiser.


Bago nagpatuloy si Nixie ay kumuha muna ito ng bwelo.


Nagsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako nabo-bother tungkol sa mga sinabi ni Eloisa kanina...


"Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Eloisa kanina about sa ex-girlfriend mo?" direktang tanong nito sa kanya.


Napabuntung-hininga muna siya bago sumagot.


"I don't really know what that girl was talking about, but it's probably when I was in high school." Wika ni Kaiser.


"High school?" taka ni Nixie.


"Yes." Sagot niya.


"Gusto kong malaman ang tungkol dun!" bulalas ni Nixie.


"Hah?!" sambit ng gulat na binata. "Sigurado ka bang gusto mong marinig ang tungkol doon? Kahit na hindi naman siya entertaining na kwento?"


Medyo matagal-tagal na rin simula nong maging magboyfriend-girlfriend kami ni Kaiser...


At halos wala akong alam tungkol sa kanya...


"Oo! Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa'yo, Kaiser!" seryosong saad niya rito.


Napatawa ng marahan si Kaiser dahil sa expression'ng ipinakita ni Nixie.


"I guess it can't be helped," sabi niya. "Since it's my princess' request."


Namilog at nagliwanag ang mukha ng dalaga.


"Yay!" bulalas niya sabay hug sa braso nito.


If it's the present me,


I'll be okay with whatever he tells me...

SeventeenWhere stories live. Discover now