Side Story: Yessil x Darren

50 7 1
                                    



Masakit.

Sobrang sakit.

Na halos hindi ako makahinga...

Ito ang mga emosyong pilit kong itinago,

Noong seventeen years old ako.


------------------------------------------------------------------------------------


(YESSIL's POV)


"Darren!" tawag ko sa kanya nang makita ko siyang dumating sa university. Dali-dali akong lumapit sa may fence malapit sa parking lot.

"Oh, Yessil." Nginitian niya ako.

"Congrats sa broken heart mo!" biro ko sa kanya. Mula noong maging close kami dahil sa pag-amin niyang crush niya si Nixie, mahilig ko na siyang biruin.

Biglang namula 'yung mukha niya. "Yessil...! Ikaw talaga, ang sama mong kaibigan! Sabi mo congrats eh!"

"Huh? Talaga? May sinabi akong ganon?" kunwaring sagot ko.

"Ah, basta! Hindi pa rin ako susuko!" sabi niya. "At kung kaibigan talaga kita, dapat i-cheer mo'ko."

"Ayoko nga, tinatamad ako." Sabi ko sa kanya.

"Ano!?" mas lalong namula ang mukha ni Darren.

Natawa ako sa naging reaksiyon niya. Sumimangot siya sa akin. Pero hindi ko pinansin iyon. Hanggang sa mapasulyap siya sa kanyang relo.

"Baka ma-late ako. Sige, Yess, see you later!" sabi ni Darren saka ito umalis.

Napangiti lang ako saka kumaway sa kanya. Nang makaalis siya ay nagpakawala ako ng malalim na bunting-hininga.

"Sorry Darren... hindi ko yata kayang i-cheer ka, pero masaya ako ng konti." Sabi ko sa aking sarili.

Si Darren, ang childhood friend ni Nixie at nakilala ko siya dahil sa kanya. Malapit sila sa isa't-isa at talagang obvious na may gusto si Darren rito. Pero si Nixie lang ang hindi nakakahalata dahil para sa kanya, kaibigan lang ang tingin niya sa binata.

Nang mag-part time si Nixie para kay Mr. Kaiser, siya ang unang nagprotesta rito. Subalit wala rin naman siyang nagawa upang pagbawalan ang dalaga. Wala siyang karapatan.

Naging tampulan si Darren ng mga biro ni Sheena at ako. Masakit sa part ko pero gusto ko siyang mag-give up na kay Nixie. Dahil alam kong masasaktan lang siya kapag ipinagpatuloy pa niya ang one-sided love niya.

Sa tuwing may balita tungkol kay Nixie, ako ang madalas na takbuhan niya. Ako ang palaging nakikinig sa mga problema at sama ng loob niya. At ako ang naging sandalan niya noong malaman niyang isang sikat na music producer ang boyfriend ni Nixie.

Saksi ako sa lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ni Darren. Ako pa nga 'yung kasama niya noong maglasing ito dahil sa pag-reject ni Nixie sa kanya noong mag-confess siya. Doon ko siya nakitang umiyak ng sobra.


----------------------------------------------------------------------------------


"Hoy, Darren!" tawag ni Sheena sa kanya. Nasa gym kami noong oras na 'yon.

"Bakit?" agad namang lumapit sa amin si Darren.

SeventeenWhere stories live. Discover now