Chapter 23

47 7 3
                                    



Lumipas ang ilang sandali, dumating na sa hotel na pina-reserved ng company nina Kaiser ang mga magulang at kapatid ni Nixie. Naka-formal attire ang mga magulang nito samantalang naka-casual lamang ang dalawang kapatid nito.

"Good evening, please come in." bati ni Kaiser sa mga ito ng pagbuksan niya ng pinto ang mga ito. Tumango at ngumiti lang ang dalawang magulang ni Nixie.

"Good evening, too." Wika naman ni Nikki, ang ate nila. Ngumiti lang din bilang bati sa binata si Nina, ang bunso naman nila.

Iginiya niya ang mga ito sa living room. Naupo ang pamilya ni Nixie ka-opposite ng kinauupuan nila ni Kaiser. Noong una, may awkward silence pang bumabalot sa mga ito.

Subalit si Kaiser na rin ang unang bumasag sa katahimikan. Tumikhim muna siya at huminga ng malalim bago nagsalita.

"I'M SORRY, MR. ESTEBAN AND MRS. ESTEBAN." Seryosong wika niya sabay yuko ng bahagya sa kanyang ulo.

"A-ah, please no," pinigilan siya ng ina ni Nixie.

"Hindi mo kailangang yumuko sa harap namin, Kaiser..." nagsalita na ang ama ni Nixie. "Ang nais ko lang naman ay marinig ang mga kailangang maipaliwanag at mga dapat na sasabihin mo."

"But before that, ako nga pala ang ate ni Nixie, Nikki Esteban." Sumabad si Nikki at inaabot ang kanyang kamay upang makipag-shake hand sa binata.

"I'm Nina, ang bunso..." matipid namang wika ni Nina na inialok din ang kamay upang makipag-shake hand rito.

"Kaiser... Kaiser Lear." Wika naman ng binata saka inabot ang mga kamay nila, salitan.

Kinilig ang dalawang babae saka kumindat kay Nixie. Namula naman ang mukha ni Nixie dahil sa ginawa ng dalawa. Nahuhulaan na kasi niya ang pangti-tease ng dalawa sa kanya.

"As I was saying kanina po," sabi muli ni Kaiser. "Gusto ko pong humingi ng tawad dahil unang-una po, ako po ang dahilan kung bakit napasali sa magulong buhay ng music industry si Nixie. I was the one who dragged her into this. So, I'm really sorry, Mr. and Mrs. Esteban, Miss Nikki and Nina."

Hindi nagsalita ang mga ito subalit in-acknowledge nila ang sinseridad sa mga mata ang salita nito.

"But..." patuloy ni Kaiser. "I really love her. Seryoso po ako sa anak niyo kahit na alam kong bata pa lang si Nixie. Nangangako po akong po-protektahan ko po siya at pananagutan ko po ang kahahantungan ng lahat ng ito."

"That's the only thing na nais kong marinig mula sa'yo, Kaiser." Wika ng ama ni Nixie. "And I take your words as a man. Ayokong masaktan ang anak ko."

"I understand, Mr. Esteban." Sagot naman ni Kaiser.

"Ang gusto ko lang ay maging masaya ang anak kong si Nixie sa kung anumang maging desisyon niya sa kanyang buhay. Nakasuporta lang ako sa kanya." Wika naman ng ina nito.

"Ma..." sambit ni Nixie, tila maiiyak.

"So, ano'ng mangyayari after nito?" tanong ni Nikki.

"Our company manager will arrange a presscon later. At doon namin planong sabihin sa media ang mga balak at plano namin ngayon nabunyag na ang totoong estado ng relasyon namin." Sagot ni Kaiser.

"Hindi ba makakaapekto 'yon sa career ni ate Nixie?" tanong naman ni Nina.

"I will do everything to prevent that," sabi ni Kaiser. May determinasyon sa kanyang boses.

SeventeenWhere stories live. Discover now