Chapter 4

120 11 2
                                    


"Nixie! Si Ate nasa T.V. dali!" tawag ng kanilang bunsong kapatid, si Nina.


"Okay, andiyan na!" sagot naman ni Nixie na noon ay nasa taas.


"Dalian mo! Dali!" pangungulit ni Nina.


"Alam ko. Andito na'ko." Sabi naman ni Nixie na nagmamadaling bumaba at lumapit kina Nina at mama nila.


Miyembro ng isang sikat na choir ang kanilang ate. Inimbitahan silang mag-perform ng isang sikat na tv program sa gabi.


Palaging naka-focus ang camera sa kanilang ate kaya ng matapos ang performance nila ay nilapitan siya ng host ng nasabing programa.


"And within this group, there is Nikki Esteban, who many believe will become a great soprano singer in the future... Well Nikki Esteban, may we ask you a question? On normal days, do you sing regular songs?" tanong ng lalaking host sa programa.


"Ahm, yes. I sing anything..." nahihiyang sagot ni Nikki.


"Si ate Nikki ang pinakamagaling sa grupo nila, diba mama?" sabi ni Nina.


"Haha. Huwag ka ngang exaggerated masyado." Natatawa namang sagot ng kanilang mama. Si Nixie ay nakatayo lang at nakatitig sa tv screen.


Totoo bang kayang kumanta ni ate ng kahit na ano?


Sa isiping iyon ay tila nakaramdam ng inggit at panliliit sa sarili si Nixie. Naalala rin niya 'yung mga 'encouragements' ni Kaiser sa kanya. Napabuntong-hininga siya ng malalim.


Parang hindi ko yata ma-imagine na magiging singer ako...


Kung siguro si ate mas medaling isipin ngunit ako?


Hindi ako magiging professional singer...


Ano kayang nakain nung Kaiser na 'yun at ako pa ang napili?!



-----------------------------------------------------------------------------------------------------


"Nixie!"


Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. Si Darren iyon at hinahabol siya palabas ng gate ng university. Napatigil tuloy siya sa paglalakad.


"May work ka na naman doon? Hindi ba't parang palagi ka na lang doon?" tanong nito ng makalapit siya sa dalaga.


"Yup! May work ulit ako ngayon." Sagot ni Nixie.


"Are you really okay at that job?" tanong ulit ni Darren.


Napasulyap si Nixie sa kanyang relo. "Ah! I'm sorry Darren. Late na'ko sa work kaya kita na lang tayo bukas!" kapag sabi'y nagmamadali na siyang umalis.

SeventeenWhere stories live. Discover now