Side Story: Dylan Ford x Miss Runaway Girl

47 6 2
                                    


-= DYLAN FORD SIDE STORY =-

This will be a JULNIEL one-shot/side story (Julia Montes x Daniel Padilla)

It will be on the girl's POV (Julia) since hindi naman ka-dramahan ang umpisa ng kuwento ni Dylan.

Julia Montes as CLARA.

------------------------------------------------------------

CLARA's POV


The town at night, within the crowd that's coming and going...

For some reason, it seemed as if...

...time had stop for an instant.

"Do you have a request, Miss Runaway girl?"

And that was the day I met this cool guy named Dylan Ford.


----------------------------------------------------------------


"Good evening!" masiglang wika ko pagdating ko sa pabilog na patio bench na nakatirik sa gitna mismo ng bayan. Ito'yung malaking palatandaan ng aming lugar.


At dito palaging tumatambay at tumutugtog ng gitara si Dylan, ang lalaking nakilala ko noong isang gabi at nakaantig sa'king damdamin dahil sa kanyang musika. Ang sabi niya, isa raw siyang professional na acoustic guitarist at naghahanap siya ng isang rare talent na bubuo sa pangarap niyang acoustic band. Naging interesado ako sa kanya kaya magmula noon, palagi ko na siyang 'dinadalaw' doon.


"You came again..." sagot ni Dylan, parang wala siyang kasigla-sigla.

Umupo ako sa tabi niya. "Bakit? Hindi ba kita pwedeng makita?"

"Oo na, sige, thank you..." sabi niya saka itinabi ang hawak na gitara. "Pero... hindi ka ba mapapagalitan sa inyo? Gabing-gabi na ah."

Napabaling sa lupa ang aking tingin. "Hindi... wala naman silang sinasabi."

Nakita kong bahagya siyang bumuntung-hininga. Saka kinuhang muli ang kanyang gitara.

"So, ano'ng request mo ngayon?" tanong niya sa'kin.

"Yung Collide ni Howie Day." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango lang siya. "Then, you sing."

"Ano?!" bulalas ko sabay tayo sa kinauupuan at hinarap siya. "Ano'ng sinasabi mo? Huwag ka ngang magbiro."

"Pero hindi ko alam ang lyrics ng kantang 'yun." Sabi ni Dylan.

"I-ibang kanta na lang!" medyo natataranta na ako dahil sa sinabi niyang kumanta ako.

Tinitigan niya ako saka ngumiti. 'Yung ngiting nakaka-kilig.

"It's okay. Basta kumanta ka lang." wika ni Dylan.

Naramdaman ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko kaya tumango na lang ako sa kanya. Ayokong makita niyang namumula ang buong mukha ko at baka asarin lang niya ako.

Nang mag-umpisa na siyang tumugtog ng kanyang gitara, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nanlamig ang mga kamay ko kaya napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.

SeventeenWhere stories live. Discover now