Chapter 14

52 10 2
                                    

♪♫ When I close my eyes, all I remember is your smiling face...♪♫


Beep.


"Hello?"


Halos hindi humihingang napatingin sa kabilang table sina Yessil at Sheena nang marinig ang ringtone ng cellphone ng isang babae. Nasa fast food shop silang tatlo ng mga oras na 'yun.


"Narinig mo ba 'yung ringtone sa kabilang table nung girl doon?" bulong ni Yessil sa katabi.


"Oo naman! Di ba 'yun 'yong kanta ni Nixie?" pabulong ring sagot ni Sheena.


Biglang lumaki ang kanilang mga tenga nang marinig muli ang usapan sa kabilang table.


"Sino'ng kumanta ng ringtone mo?"


"Ah, 'tong kantang 'to? Narinig ko lang sa isang commercial pero nagustuhan ko kaya idinownload ko. Bagong singer daw siya eh."


"Ah! 'yung bagong commercial kagabi? Gusto ko rin 'yun! Ida-download ko rin 'yun."


Sabay na napa-bend palapit kay Nixie ang dalawang kaibigan nito.


"Nixie, nakikinig ka ba?!" halos sabay nilang pabulong na tanong sa kanya.


Nag-blush si Nixie.


"N-nahihiya akong marinig na pinag-uusapan ng ibang mga tao ang kanta ko. Napapaisip tuloy ako kong maganda ba talaga ang boses ko?" mahinang wika ni Nixie habang nakatakip sa kanyang bibig ang mga kamay.


"Ano bang sinasabi mo? Narinig mo naman kung gaano nagustuhan nung dalawang babae kanina 'yung kanta mo diba?" sabi ni Sheena.


"That's right." Wika ni Yessil.


Napatingin siya sa dalawang kaibigan.


"You're right..." napangiting wika niya sa mga ito. "Medyo nagsisimula ko nang ma-realize na totoo nga talaga ang lahat ng ito."


"Nixie naman eh, di ba nga malapit ka nang mag-debut as a singer?!" sabi ni Yessil. "Kaya huwag ka ng mag-isip ng ganyan."


"Hah? Ano?! K-kelan ka magde-debut?!" bulalas ni Sheena.


"Next week 'yon. May recording ako mamaya after nito." Kiming sagot ni Nixie.


"Wow! Galingan mo!" excited si Sheena. "Teka, sino-sino pang mga artists ang naka-line up para sa program?"


"Janella and Kristel." Sagot ni Nixie.


SeventeenWhere stories live. Discover now