Chapter 24 (End)

68 7 2
                                    



"Wow... there are a lot of cameras out there, more than I expected," komento ni Kaiser nang sumilip ito sa may pintuan.


Sa narinig, mas lalong kinabahan si Nixie. Ngayon ang araw ng nakatakdang presscon ng dalawa. Dito nila ilalantad ang tungkol sa tunay na relasyon nila upang matapos na ang mga maling balitang naglipana sa media.


"B-bakit napaka-kalmado mo?" palakad-lakad at pabalik-balik si Nixie sa loob ng waiting room. Hawak din niya ang mga kamay na tila nagye-yelo na sa lamig. "Maraming camera..."


"Hey, it'll be the end of your career if a singer can't handle all that press and cameras." Wika ni Kaiser.


"Magkaiba ang kumanta sa harap ng maraming tao at camera sa pagsasalita sa harap ng mga tao at camera..." sabi ni Nixie sabay hawak sa kanyang ulo. "Ayoko ng ganoon..."

"Well to me, I was more nervous meeting your parents before..." turan ni Kaiser.

"Hah?" sambit ni Nixie sabay lingon rito.


Biglang tumalikod naman si Kaiser upang itago ang embarrassment nito. "Nothing."

Nagtatakang tiningnan lang siya ng dalaga.


"Hey," inabot ni Kaiser ang kamay niya. "From now on, no matter what anybody says to you, whenever you're happy or sad, we will deal with it together... right?"


Nagtitigan sila saka tumango at ngumiti si Nixie bilang tugon sa sinabi nito. Lumipas ang ilang minuto, kumatok ang isang staff upang tawagin na ang dalawa. Mag-uumpisa na ang presscon.


"And now, the press conference for Kaiser Lear and Nixie Esteban will begin..." sabi ng manager nila nang makaupo na ang dalawa.


Magkatabi silang dalawa at halatang-halata ang kaba sa mukha ni Nixie. Sinulyapan siya ni Kaiser bago nito hinawakan ang kanyang kamay. Pinisil niya ito bilang assurance na magiging okay ang lahat.


Napatingin si Nixie at nagkatitigan sila. Nginitian siya ng binata na ginantihan rin niya ng ngiti bago ito nagsalita.


"As it was already publicized on the tabloids and on the news, I, Kaiser Lear is currently dating the person sitting next to me, Miss Nixie Esteban." Direct to the point ang naging approach ni Kaiser sa media.


"Since she is still 17 years old, we will not be getting married anytime soon," patuloy nito. "And since there were many things that I've done in the past, so I believe that it can't be helped at what is written about me but..."


"In this case, we are truly in a committed relationship, so we would be happy if you please kindly support our relationship." Pagtatapos ni Kaiser.


Binalingan niya ang dalaga sa tabi niya. Nagkatinginan sila at nagkaintindihan kung ano'ng dapat na gawin nila pagkatapos no'n.

SeventeenWhere stories live. Discover now