CHAPTER 15

33.6K 1.2K 369
                                    

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Mommy sa sala at nanunuod ng movies.

Si Mommy kasi adik na sa mga dramas. Nahawa kay Prof Giselle.

" Hi Mom." bati ko at hinalikan ito sa noo.

"Hello nak, musta lakad niyo?" she asked.

" Ewan ko Mom. Sumakay kasi kami. " Sagot ko kaya binato niya ako ng remote mabuti nalang nakailag ako. Pakshet! sakit naman kapag tumama sa maganda kong face.

Si Mommy parang hindi niya ako anak.

Sinundo kasi ako ni Bal kanina para magmall hindi ko na natanggihan dahil wala na daw akong time sakanya.

Pati pala kaibigan ngayon kailangan na ding suyuin.

" Lalayas na ako Mom!" nakabusangot na sabi ko kaya tinaasan lang ako ng kilay.

" Saan ka naman lalayas? gusto mo ihatid pa kita?"

" Doon sa Asawa ko!" sagot ko.

" May asawa kana? kelan pa?" she asked like it's a normal conversation.

" Noong nakita ko siya. " Sagot ko nang may malapad na ngiti.

" Ang landi mo anak. Saan mo ba yan natutunan. Confident akong hindi ako malandi nang nasa ganyang edad ako. " Napasimangot na naman ako sa tinuran ni Mommy. Parang hindi niya ako anak kong makapagsalita siya.

" Mommy ang sama niyo saakin? ganyan ba ang natutunan mo sa opisina ang hindi marunong gumalang sa anak!" singhal ko. Nakita ko si Yaya linda na bumungisngis.

" Hay nako Gianna nababaliw kana naman. Nagmana ka talaga sa tatay mo. " Biglang nagbago ang expression ko. Mukhang nagulat din si Mommy sa huling sinabi nito.

Natahimik ako and clenched my fist. He's not my father! He's just a guy.

" I-'m sorry nak" halata sa mukha ni Mommy na nag-aalala siya.

" Sa kwarto lang ako Mommy. " Walang bakas na emosyong sabi ko. Nakita kong nag-alala rin si Yaya Linda pero hindi na ito nagtanong pa. 

Pagdating ko sa kwarto at marahas na tinapon ko ang bag ko sa pader. Wala akong pakealam kung may mabasag man.

F-ck!

Inalis ko lahat ng damit ko at mabilis na pumasok sa bathroom para magshower. Akala ko pagkatapos kong magpalamig ay okay na ulit ako pero hindi pa din. Feeling ko nasusuffocate na naman ako. The fact that he's not here anymore but he can still scared me. He can still stimulate the fear I buried inside me.

Ang marinig lang na may tatay ako ay madaling magpabago ng mood ko. Para akong sinasakal sa kaisipang nagmana ako sakanya. Kung sana—kung sana hindi ko nalang siya naging ama at hindi niya ako naging anak.

Alam kong masama ang iniisip ko pero—hindi iyon mabubura lahat ng karanasan ko sa kamay niya. Kung sana—

Mabilis na nagsuot ako ng hoodie jacket at cargo pants. Kinuha ko ang phone ko and called someone that could help me.

" Hello. " Bungad niya.

" Lets meet up. Same place. " I said. Wala akong narinig na sagot pero alam kong pupunta siya. Sa may veranda ako bumaba para hindi malaman nila Mommy na aalis ako dahil tiyak na mag-aalala 'yon at sisihin ang sarili niya.

Mabuti nalang expert na ako dahil lagi talaga akong dumadaan dito kapag tumatakas ako at hindi malaman ni Mommy na umaalis ako.

Sinuot ko ang hood ng jacket ko habang naglalakad. Gabi narin kaya wala ng tao sa labas. Walang dumadaan na taxi dito dahil nga village ito.

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon