CHAPTER 6

36.8K 1.4K 859
                                    

" Ako'y para lamang sayo kailanma'y di ito magbabago...." I sang while checking 3rd year's quizzes with a coffee on my side...

Busy naman si Prof kaya nakahead phone ako sa kabilang tenga ko para kahit papaano hindi siya maingayan.

Tsaka, ako mag-aadjust? siya nga 'tong nang-utos eh. Char!

"Hmm..Ako'y para lamang sayo.." pagtatapos ko sa awit ko bago humigop sa kape. Sosyal kaya nitong kape. Galing pang starbucks. Crush talaga ako ni Ma'am.

Pumalakpak pa ako nang natapos ko na lahat. Yes lord! Makakapagpahinga na ako.

" Prof tapos na po" masayang sabi ko at nilapag sa table niyo 'yong mga papel. Nagstretching pa ako.  Susme! Sakit ng katawan ko. Pinagod ako ni Prof.

Bakit parang ang sagwa pakinggan?

" Here. Check this. 4th year" tipid na tipid na utos niya. Napasimangot ako.

Masaya na nga ako dahil tapos na eh. Nakakainis naman. Gusto ko nang magpahinga.

" Prof ito po ba parusa ko sa pagiging maganda ko? grabe naman kayo kung kasalanan pala ang pagiging maganda dapat dalawa tayong magkasala. Diba?" Inirapan lang ako at hindi sumagot.

" Just check it Hermosa." bossy pa nga.

"Psh. "

"What?" taas kilay na tanong niya.

" Sabi ko nga ichecheck kona. Baka sakaling makita ko yong pangalan ng crush ko sa 4th year. Inspirasyon ba Ma'am. " Ani ko na mas ikinataas ng kilay niya. I chuckled because I'm just actually teasing her. I don't have any crushes right now....well maybe except for her? I think I have a little crush on her coz she's attractive. I mean I had crushes way back then pero mga girl crushes lang at hindi naman nagtatagal. I think it only lasted for a days or weeks.

" Ang landi mo  Hermosa"

" 7 lang naman 'yong crush. Landi agad Ma'am? marunong lang akong magappreciate. " That's why I appreciate her beauty.

Tanging irap lang ang natanggap ko mula sakanya.

" Gusto niyo maging crush ko rin kayo prof? okay lang naman. " I said and grin.

Umirap ulit siya habang nagtitipa.

" Keep rolling your eyes prof maybe you'll find brain back there." sinamaan niya agad ako nang tingin.

" You still want to pass my subject right?" She arced her right eyebrow.

Napalunok ako.

" Eto na nga eh. Icheck kona. " Pagsuko ko at kinuha 'yong mga papel at umupo ulit.

Saktong bumukas naman ang pinto at pumasok doon si Prof Ivy.

Another cold professor.

Si Prof Tiffany lang talaga approachable sakanila. Pero pansin ko  itong mga nakaraang araw na lagi na nilang kasabayan sila Prof Giselle at Nurse Jas. Baka friends na din sila.

" Hi Prof." masayang bati ko na but she just nodded her head and turned her gaze to Prof Elise.

Kita niyo 'yon? binalewala ang ganda ko.

Sinaksak ko nalang ang magkabilang headphone sa tenga ko at nagcheck nalang.

" Ma'am!" tawag ko dito at inalis ang kabilang headphone sa tenga ko. Nandito parin pala si Prof Ivy pero may ginagawa ito sa laptop ni Prof Elise.

" Why?" Bored na tanong niya and looked at me.

" Gutom na ako." reklamo ko.

Tumaas ang kilay nito. " So? I already gave you coffee"

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon