CHAPTER 20

38.1K 1.2K 749
                                    

" Ang lamig, sarap yumakap ng professor. "

Napatingin ang katabi ko saakin habang nakataas ang kilay.

" Bakit prof ayaw niyo? sige kay Miss Cruz nalang. Balita ko po single naman siya. " Sinamaan niya ako ng tingin na ikinangisi ko lang.

Pikon.

Siya lang naman 'tong gusto kong yakapin eh. Nasa kanya kasi ang jacket ko kanina na hanggang ngayon ay suot niya parin kaya natutuwa ako.

" Okay everyone lets sleep. CSC will round around the resort to make sure na wala ng estudyante sa labas... baka mapahamak kayo at malalagot kami sa magulang niyo. Don't worry just rest para bukas fres kayong magswimmimg. May dala ba kayong pangswimming?"tanong ni Miss Cruz. Sumagot naman ang lahat maliban saamin nila Kadynce na simpleng tumango lang.

Tumayo na kami. Pinagpag ko ang pwetan ko dahil sa mga buhangin.

" Tara prof? Sabay na tayo. Magkatabi lang naman 'yong room natin eh " I said. Tumango lang siya bago naunang naglakad kaya sumunod na ako.

Nakangisi na naman si bal saakin nang makita niyang magkasabay kami ni Prof.

Inirapan ko lang siya kaya natatawang kumapit ito sa braso ko.

" Ano ba. Bitaw nga" inis na bulong ko.

" Bakit? para namang hindi kita ginaganito dati ah" pang-aasar niya.

Hindi nalang ako nagreklamo pa dahil mang-aasar na naman siya. Nang makarating kasi sa tapat ng pintuan namin ay pinagmasdan ko nalang si Prof na pumasok.

" Good night prof" nakangiting sabi ko.

Tumango lang siya ng bahagya kaya napasimangot ako.

" Night"

Napangiti agad ako dahil kahit tipid masyado at least binati niya parin ako.

So this is what Prof Giselle said. Hindi ko namamalayan na, nararanasan ko na pala ang mga bare minimum mula kay Prof Elise.

Pagpasok namin sa kwarto ay nagsalita  na naman si Bal.

" So masaya kana niyan?" parang batang tumango.

" Ano ba kayo? I mean—"

" I like her, Bal. Tinamaan na ata ako sakanya." I cut her off.

Natahimik ito at pinagmasdan ako, tinatantya kong seryoso ba ako pero kalaunan ay napabuntong hininga siya at tahimik na tumango lang.

Kinuha ko ang tuwalya ko bago pumasok sa comfort room.

Ayaw ba ni Bal?

Siguro nag-aalala lang siya lalo na't professor ko siya. Ang hirap naman kasi magkagusto sa professor.

But if ever man, we can make it secret naman diba? hanggat nag-aaral pa ako.

Teka bakit ko ba iniisip 'to? baka umaasa lang ako na pwede nga kaming dalawa. 

Well, kung hindi siya para saakin kawawa naman siya.

I mean kung hindi talaga siya para saakin bakit hindi natin pilitin. I know time will come na magugustuhan din ako ni Prof. Hindi ako manhid sa bagay na 'yon. Pero baka hindi niya kayang mag take ng risk. But we can't tell right?

Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko si Bal na nakaupo sa kama niya at naglalaro sa cellphone.

" Bal" tawag ko kaya napaangat siya ng tingin saakin.

" Why?"

" Did you ever liked someone?" Tanong ko. Hindi kasi masyadong nakikipagrelasyon si Jessa. She keeps flirting around kaya hindi ko alam kung nagkagusto na ba siya.

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon