CHAPTER 1

81.9K 1.7K 1.5K
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination. All incidents are merely invention. Any resemblence to actual persons, living or dead, events and business establishment is entirely coincidential.

PLAGIARISM IS A CRIME


Published by: TheChantrea

All rights reserved


_____________________________

Gianna

" Hi Gia!"

" Good morning, Gia"

" Magandang umaga Gia! lalo kang gumaganda"

Napailing-iling nalang ako at binati nalang sila pabalik na may ngiti sa labi.

Nakakatuwa na kahit hindi maganda 'yong gising mo pero ganito 'yong mga bumabati sayo. Ang sarap lang sa feeling na pinaglalaanan ka pa ng oras para batiin lang ng magandang umaga. Well it's a new day after all lalo na at ito ang unang araw ng pasukan. I am now 3rd year college and taking Fine arts major in Literature.

I like literature kaya ito talaga ang kinuha ko. Si Mommy kasi ang may ari ng isang sikat na publishing company dito sa pilipinas kaya iyon rin ang naging rason ko para kumuha ng fine arts dahil wala namang magmamana kundi ako.

Pagpasok ko sa room ay binati din ako ng mga kaklase ko. Dati narin naman kaming magkaklase eh. Mga dalawa o tatlo lang siguro ang bago. Maybe transferee o irregular students.

" Bal!" masayang tawag saakin ni Jessa na galing pa sa kabilang room dahil hindi naman kami magkaklase. Architecture ang kinuha niya at mabuti nalang magkatabi lang ang building namin. Gumala na naman siguro siya sa iba't-ibang classrooms. She's extrovert but secretive, more playful than me. She easily lost interest. If something we shared in common, it's our naughtiness.

" Good morning, Bal" I greeted her playfully and she greeted me back.

My classmates greeted her too since Bal is a quiet famous. Halos karamihan ay kilala siya dahil mahilig siyang mag bar hopping kaya maraming kakilala.

We address each other 'Bal'. We've been together since elementary days. She became my partner in crime.

" Hinatid ka ni Manong?" tanong niya. Nasira ang sasakyan ko at inaayos palang kaya kailangan pa akong ihatid ng driver ni Mommy.

I nodded my head.

" Hindi na kita nadaanan dahil medyo nalate ako ng gising tapos dapat mas maaga kaming pumunta dito dahil officer kami" sabi niya.

She's the Vice president of College Student Council pero ayaw niya talaga maging officer pero wala na siyang magawa kasi na-appoint na siya.

" Ang sabihin mo nalate ka na naman dahil galing ka na namang bar kagabi. Hindi mo ako maloloko." Natawa siya at hindi na nakipag-arguement dahil tama ako.

Nagpaalam narin ito dahil time narin. Hindi nagtagal ay dumating narin si Miss Febby. Siya ang first subject namin every MWF schedule.

Hindi narin kami lugi dahil talaga namang kabigin ang ganda nito at matalino rin. Kung hindi ako nagkakamali ay kaedaran niya sila Miss Bianca. She's single kaya marami ring gustong magpapansin sakanya kahit na mga estudyante. Mabait siya at sweet. Naging prof ko siya sa isang subject ko noong 2nd year ako kaya medyo close ko siya. Well, medyo lang naman.

Since it's first day of class, skipping introduce yourself won't happen even in college level na. Nagbotohan narin kami ng officer and sad to say I am the classroom President. Another responsibility for damn whole semester. This is frustrating. I want to be a reckless student this sem so next sem hindi na nila ako gagawing president or sa kahit anong position.

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon