CHAPTER 23

39.5K 1.4K 1.2K
                                    

Pumunta ako sa office ni Prof Elise pero wala siya doon kaya hinanap ko siya sa kung saan ko nga ba siya matatagpuan. Nakasalubong ko pa si Prof Giselle kaya sakanya na ako nagtanong.

" Nakita niyo si Prof Elise?" I asked while still roaming my sight.

" Nasa Dean's office siya. May  emergency meeting ata siya with the Dean. Bakit?" Tanong niya.

Napalingon ako sakanya at tumango. Kaya pala hindi ko siya makita kahit saan. Nagpaalam narin ako kay Prof Giselle at napagpasyahang kakausapin nalang siya mamaya.

" Hi."

Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang ako pinansin. Napanguso ako bago siya hinabol at pinigilan nang akmang papasok na siya sa kotse niya.

" What?" bored na tanong niya. Ang sungit naman!

" Bakit hindi mo ako pinapansin? may nagawa ba ako? " tanong ko. Sinadya ko talagang hintayin siya dito sa parking lot para makausap siya.

Malamig na tiningnan niya lang ako bago sumagot. " Do I need Miss Hermosa? You're my student and I am your professor. Lets stay like that. "

Napabitaw ako sa paghawak sa palapulsuhan nito at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

Stay like that?

What about the kisses?

Wala lang 'yon?

Gusto ko sana siyang tanungin pero hindi ko na tinuloy. Parang may nagpipigil saaking magtanong.

" Uwi kana po Prof Elise?" Instead ay  tanong ko.

" Obviously. " Walang ganang sagot niya at pumasok na sa kotse niya kaya hinawakan ko ang pinto ng kotse niya. Takang tiningnan niya ako.

" Gusto kita, Prof." Walang pagdadalawang isip na sambit ko kaya napaawang ang labi nito kaya nakangising sinara ko ang pinto ng kotse niya bago umalis.


I love her pero baka hindi siya maniwala na mahal ko na siya so I said I like her instead of I love her.

Pagdating ko sa bahay ay napangiti agad ako nang maalala ang confession ko. Hindi naman siguro tanga si Prof para hindi maintindihan ang sinabi ko.

Biglaang confession lang 'yon. Hindi ko na pinag-isipan. Hindi ako nagsisisi na umamin ako dahil sa mindset palang ni Prof ngayon alam kong iniiwasan niya ako dahil alam niyang kahit papapaano ay may nararamdaman na siya saakin at nakatatak sa utak niya na mali, na hindi pwede dahil estudyante niya ako.

Mas okay na rin na umamin ako para malaya kong maparamdam at masabi sakanya ang nararamdaman ko. Ngayon na alam niya na ay mas kukulitin ko pa siya hanggang sa mahulog din siya saakin gaya kung paano ako nahulog sakanya.

Out of 57 sports, sa larong sinimulan ko rin pala ako matatalo.

I fall big time and I would do the same thing to her. Sisiguradin kong mahuhulog din siya saakin.

Kinabukasan ay back to normal narin ako. Para nga akong nakahithit ng shabu dahil hindi maalis-alis ang ngiti ko.

" What's with the big smile Miss Hermosa? you look like idiot. " Sita ni Prof Elise pero hindi non nabura ang ngiti ko. Nakita ko pa ang lihim nitong pag-irap. At least ngayon pinapansin niya na ako hindi gaya noong mga nakaraang araw na para lang akong hangin  sakanya.

" Mukhang good mood ka Miss Hermosa so give us your opinion about the story. What's your reaction?"

Nakangiting tumayo naman ako habang malapad parin ang ngiti. I know I like a fool and dumbass right now pero wala akong paki.

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon