Kinabukasan ay sinadya ko talagang magising ng maaga para may time pa akong titigan siya.
Those enchanting brown eyes when looking at me, pink soft lips, straight nose and sexy as hell body was making me crazy. She's the personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to take a risk.
Nang sa tingin ko ay sumapat na saakin kahit papaano ang titigan siya ay bumangon na ako. Kailangan kong lumabas rito para walang makakita saakin.
I kissed her forehead. " Good morning Thea. " I whispered bago lumayo at napangiti nalang ako dahil ang himbing niya paring matulog. Kung pwede lang na dito nalang ako buong araw para titigan siya ay ginawa kona kaso hindi eh. Hindi pwede.
Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng room niya nang makalabas ako at nang humarap ako ay nagulat ako nang makitang nakatayo si Kadynce isang metro lang ang layo mula saakin.
Nakatingin ito saakin kaya ngumiti ako. She wink at me amusingly kaya natawa na ako. The wink telling me that its okay, that I could trust her. Umalis na rin ito at hindi na nagtanong pa.
Pumasok na ako sa room namin ni Bal at nakita ko itong mahimbing sa pagtulog. Lasing na naman siguro siya kagabi. Rinig ko pa ang hilik niya.
I prepared my things pati narin ay kay Bal dahil burara pa naman siya. Mamaya ang daming maiiwan sa mga gamit niya.
Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong lumabas na muna at pumunta doon sa coffee shop kung saan ko hinila palabas si Prof.
Tahimik lang akong nagkakape nang may biglang umupo sa kaharap ko pero hindi na ako nagtanong pa ng makilalang si Shan yon.
Tahimik lang kaming dalawa at para bang pareho kaming wala sa mood mag-usap. Ako 'yong isip ko na kay Prof parin. Naalala ko kasi ang nangyari kagabi.
Napangiti ako at mabuti nalang natatakpan ng hawak kong kape kaya hindi ako mapapagkamalang baliw dahil nakangiti ako.
Tiningnan ko ang kasama ko at parang malalim rin ang iniisip niya. Himala nga at hindi niya ako kinukulit eh.
" Ayos ka lang?" tanong ko sakanya pero parang hindi niya ako narinig kaya lihim akong natawa. Para siyang tanga na nakatulala.
Sabay-sabay narin kaming lahat kumain ng breakfast dahil mamaya ay uuwi narin kami. Buti nga tapos na akong magligpit eh.
" Ikaw nagligpit ng mga gamit ko?" tanong ni Bal. Tumango ako sakanya.
" Tara na sa baba." sabi niya. Kinuha ko ang isang pack bag ko at lumabas na kami sa kwarto namin. Nacheck narin naman namin kung may naiwan kaming gamit. Napatingin ako sa nakasarang pinto ni Prof. Nasa loob pa kaya siya?
Pagdating namin sa may first floor ay ready narin ang lahat para mag check out. Hinanap ng mata ko si Thea pero hindi ko siya makita. Nasa kwarto paba siya?
Nasagot lang ang tanong ko nang makita itong papalapit narin sa gawi namin pero agad ding kumunot ang mukha ko dahil may kasama niya 'yong Nathan.Napakunot ang noo ko nang makitang dala ng lalaki ang bag ni Thea.
Bakit niya pa kailangang gawin 'yon? Hindi naman siya boyfriend ni Prof eh.
" Oh mukhang nagmamadali kayo?" tanong ni Miss Tiffany sa kabilang dalawa.
Nathan? sounds familiar.
Napatingin ako kay Prof na nakatingin saakin pero agad ding umiwas.
" Yeah.Elise and I have important matters to do. " Nakangiting sabi nong Nathan.
Gago ano to?
Boyfriend ba siya ni prof? Ang sabi naman ni Prof ay wala siyang boyfriend eh. Nagsisinungaling ba siya? nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si Prof pero hindi naman niya ako tinapunan ng tingin kaya parang tinusok ang puso ko ng matalim na bagay.
BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|
Romantik𝚝𝚎𝚊𝚌𝚑𝚎𝚛𝚜𝚝𝚞𝚍𝚎𝚗𝚝𝚕𝚘𝚟𝚎 Gianna Hermosa is smart. She's playful and keep things in control. Her past experiences changes her views of what love is. Professor Thea Elise Lozano has a great posture and undeniably gorgeous. She build thic...