CHAPTER 18

35.5K 1.4K 289
                                    

______________________

" Oh bakit para ka ng kamatis dyan?" tanong ni Bal habang nakapalibot kami sa bonfire.

" Hindi ah! ano mainit lang" palusot ko.

" Bobo! ang lamig nga eh. Mahangin pa tapos ikaw maiinitan? nakahithit kaba ng shabu?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Napatingin ako kay Prof Elise na ngayon ay katabi si Prof Tiffany at Prof Giselle.

Napakagat labi ako dahil naalala ko na naman ang halik na pinagsaluhan namin kanina. Kung hindi lang niya ako tinulak baka mas magtagal pa 'yon. Pero kontento narin ako atleast nahalikan ko na siya.

She gaze at me pero back to poker face na naman siya but I still smiled at her sweetly.

" Malala kana. " Napalingon ako kay Bal.

" Ano?"

" Iba 'yong ngiti. Uy marunong na siya magblush" pang-aasar niya pero inirapan ko lang siya.

Nagopen forum lang kami. We said our experienced before and after the show.

" Bagay talaga kayo ni Kadynce, Gianna." kinikilig na sabi ni Mars. Napamaang ako at napatingin kay Naiah na ngayon ay nakayuko na. Bumaling ako kay Prof Elise na ngayon ay mas naging cold ang tingin niya kaya napalunok ako. Feeling ko nagchecheat ako kahit wala naman talaga and also, I don't want her to assume na bagay nga rin kami ni Kad dahil magkaibigan lang kami at sakanya lang ako bagay.

" Ano ba kayo guys. It was for the show. We're just friends. " I tried explaining.

"Wehh? diba nagkiss kayo? nagkiss talaga kayo diba?" kinikilig na sabi naman ni Loren kaya nagkatinginan kami ni Kadynce at biglang natawa.

" Guys we—" napatigil ako sa pagsasalita nang makitang naglalakad paalis si Prof Elise kaya bigla akong kinabahan. Bumaling ako kay Kadynce.

" Please explain them na muna. Comfort room muna ako. " Mabilis na paalam ko.

Sinundan ko agad si Prof pero hindi ko siya makita. Hindi ko alam kong nasaan siya. Hinanap ko pa siya sa kung saan.

Oh god wag naman sana niyang isipin na totoong naghalikan kami ni Kad.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko itong nasa may benches at nakatingin sa may dagat. May hawak itong can in beer. Saan na naman galing 'yan?

Umupo ako sa tabi niya at hindi man lang siya nagulat. Ni hindi niya ako nilingon kahit alam niyang nandito ako.

" Bakit ka nandito prof? ang lamig dito" sabi ko.

Hindi niya ako sinagot.

" Hey talk to me Ma'am. " Pero no epek.

" Talk lang eh. Damot. " poker face na tiningnan niya ako.

" Are you mad? baby swear hindi kami naghalikan. She just kiss the side of my lips. " hindi man kang nagbago ang reaction niya. May liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa poste kaya kahit gabi na nakikita ko parin siya.

Para akong jowa niya na kailangan kong mag-explain sa nangyari.

" Swear Ma'am. Ikaw parin ang first kiss ko. Swear " napakagat labi ako when she stared at me.

" And why are you swearing? Why are you explaining to me?" Walang bakas na emotion na sabi niya.

I smirked. " Syempre baka magselos ka eh. "

Sinamaan  niya agad ako ng tingin.

" Why would I be jealous?  Kapal ng mukha mo Hermosa. "

Napangisi ako. " Kahit na halikan pa ako ni Kadynce o ni Jessa? "

𝐂𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐘𝐨𝐮 𝐅𝐚𝐥𝐥 |COMPLETED |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon