Uno

134 5 0
                                    

Buen...

Pinagpag ko ang damit ko pagkatapos kong maglinis sa bahay. Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho.



"Oi ang sipag natin ah!" Rinig ko ang sigaw ni Mikki habang papasok sa bahay.




Kakauwi niya lang galing simbahan. Pinilit niya nga akong sumama pero ayaw ko. Makikita ko kasi don ang pamilyang tumakwil sakin. At hangga't maari ay ayaw kong magpakita sa kanila.

"Oo nga no!" Sunod na pumasok si Keit sunod si Alexa na may mga bitbit na paper bags. For sure nag grocery sila.

"Minsan lang to lubos-lubosin niyo na." Nakangising sagot ko habang ibinabalik ang walis sa lalagyan nito.

"Yun oh! sige pakilinis na lang din ng kwarto ko alipin!" Nakangising sabi ni Keit habang inilalapag sa mesa ang mga pinamili.


Binato ko siya ng basahan at sapol na sapol yun sa mukha niya na ikinatawa naming lahat. Sumimangot naman ang mukha niya at ibinato ang basahan pabalik sakin pero naiwasan ko agad yun.



"Tama na nga yan!" Sigaw ni Alexa pinulot ang basahan. "Parang mga bata. Keit magluto ka na nga don!" Utos ni Alexa.

"Hoy ba't ako?" Nakapameywang na reklamo neto habang nanlalaki ang mga mata. "Yang si mikki ang paglutoin mo at walang ginawa yan kanina kundi pagpantasiyahan ang Propesor niya!"

Kaagad namula si Mikki at tiningnan ng masama si Keit. "Sabihin mo nalang kasi na ako yung magluluto. Hindi yung nambabanggit ka pa diyan." Inirapan nito si Keit bago pumasok sa kusina.



"Ikaw yang bibig mo talaga sarap bombahan." Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Eh sa totoo naman duh!" Kaagad itong umakyat sa maliit naming hagdan at dumiretso sa kwarto niya.



"Haisst ang mga babeng yun. Hindi talaga natatapos ang araw ng hindi nagbabangayan." Sambit ni Alexa habang inilalabas ang mga pinamili nila.

"Hindi ka pa nasanay." Sabi ko saka dumiretso na sa kwarto ko para makaligo na.



Dalawang taon magmula ng umalis ako sa pamilya namin, bata pa lang ako ay minulat na ako sa madilim at marahas na pamumuhay. Baril, bala, at kutsilyo ang kinamulatan ko sa mundong pinagsilangan ko. Lahat ginawa ko para magustohan nila Mama at Papa. Ngunit siguro ay hindi ko talaga matutumbasan ang pagmamahal nila kay Bea. Kung paano nila ako pinahirapan sa lahat ng pagsasanay ko ay taliwas don ang ipinapakita nila kay Bea. Sinanay nila ito sa mala prinsesang pamumuhay.

Si Papa ay isa sa mga pinakamalakas na sindikato sa bansa. Maraming kalaban si Papa. At ilan sa mga yun ay minsan ko ng nakaharap ng ipain ako ni Papa sa kanila. Nagkanda bali-bali ang buto ko non dahil sa ginawa sa akin at halos bawian ng buhay. Pinahirapan ako ng mga nakalaban ni Papa dahil nga sa anak ako nito at sigurado silang isa ako sa kahinaan ng aking Ama. Ngunit doon sila nagkamali, dahil ni anino ni Papa ay hindi nagpakita ng gabing yun upang iligtas ako. Buti nalang nakatakas ako sa tulong ng kakayahan ko. Sa paglipas ng panahon ay namuo ang inggit at galit ko kay Bea. Hindi ko nakayanan at natutukan ko siya ng baril. Ang inaasahan ko ng gabing yun na kakampi sa akin ay si Mama, pero dinurog ang puso ko ng makita na maging siya ay tinutukan ako ng baril. At ang pinakamasakit, Siya na mismo ko pang Ina ang bumaril sa akin nong gabing yun.

Kaagad akong napabalikwas ng may kumatok sa pintoan ko. Agad kong pinunasan ang luha ko.



"Buen! kakain na!" Sigaw ni Keit.

"Sige susunod nako!" Sigaw ko pabalik.



Isa sa mga pinagpasalamat ko sa buhay ay ang pagdating ng mga kaibigan ko. Tinulungan nila ako na muling makabangon sa buhay at sa mga mapait kung karanasan.

.....


Pumasok na ako sa trabaho ko kinabukasan. Isa akong crew sa isang fastfood chain kasama si Keit. Hindi ko na naipagpatuloy pa ang kursong nasimulan ko at pinili na lamang na magtrabaho. Si mikki ay nag-aaral pa ngayon, 4th year college na siya sa kursong BS Nursing. Si Keit naman ay tumigil sa pag-aaral, gusto kasi niya na mag-ipon muna ng pang tuition. Si Alexa naman ay nag-aaral rin, nasa 4th year college na rin siya BS Engineering.




"Hay nako Roy tigil-tigilan mo ako at nagtatrabaho ako ng matino dito." Nakangiwing sabi ni Keit habang sinusundan siya ni Roy.

"Sige na kasi kahit mamayang gabi lang." Pakiusap nito sa kaniya na halos lumuhod na sa harapan ni Keit.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng A-Y-A-W?" Sabi nito habang nakataas ang kilay at naglakad na papalapit sa akin.

"Keit naman eh minsan lang ako humingi ng pabor." Nagmamakaawang sabi nito sa kaniya.

"Ano ba kasing pinag-uusapan niyo?" Singit ko sa kanila.

"Eh pano ba naman tong lalaking to ayaw akong tigilan." Pagpipigil na sigaw ni Keit dahil maraming customer na kumakain.

"Isang gabi lang naman." Nakangusong sabi nito.

Tumaas naman ang kilay ko sa lalaking to.

Anong isang gabi naman ang pinag sasabi nito?

"Anong isang gabi?"

"Birthday kasi ng tropa ko." Kinamot nito ang batok na animoy nahihiya pa. "Eh nagkayayaan sa bar tas kailangan daw magsama. Ayaw ko namang mapahiya sa kanila, kaya naisip kong isama si Keit."

"At ang sagot ko ay HINDI PWEDE gets?" Nanlalaking mata na sagot ni Keit.

"Hoy samahan mo na." Baling ko sa kaniya.

"Ayaw ko nga, baka malasing pa ako tas i-gang rape ng tropa niyan, mawawala ang puri ko pagnagkataon, at paano nalang ang mapapangasawa ko? baka itakwil ako pag nagkataon at wala ng magpapakasal sa akin at magiging single na ako forever." Mangiyak-ngiyak na sabi niya kaya nakatanggap siya ng batok sa akin. "Aray naman!" Sigaw niya at agad tinakpan ang bibig habang nakangiting tumingin sa mga customer namin. Matapos nito ay tiningnan niya ako ng masama.

"Masyado kang OA gaga." Sabi ko habang pinupunasan ang counter table. "Samahan mo na para maranasan mong makapasok sa bar."

"Oo nga sige na Keit." Nagmamakaawang sabi ni Roy.

"Sasama lang ako sa isang kondisyon." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin.


Wag naman!


"Ano?" Tanong ni Roy.


"Basta kasama si Buen!"








.....♥



Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon