Quatro

63 2 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatitig ang mga mata sa lalaking nasa harapan ko. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro ay kanina pa ako duguan dito.


"What the hell are you doing here." Napaigtad ako ng marinig ang malalim niyang boses. Naging mas mature siya tingnan at mas lalong tumingkad ang kagwapohan niya.


Tumayo ito ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Mas lalo siyang tumangkad at naging mas maganda pa ang hubog ng katawan niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko ng mariin.


"I said what the hell are you doing here!" Sigaw niya. Halos mamilipit na ako sa sakit ng pagkakahawak niya.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero hindi ako nagtagumpay dahil masyado siyang malakas.

"B-bitawan mo ko." Pigil ang iyak na sabi ko. Hindi lang braso ko ang masakit, maging ang puso ko ay pinipiraso-raso ng makita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

"How dare you bitch!" Kaagad akong nakatanggap ng sampal sa kaniya. "After you killed my child, You still have fucking guts to face me!"


Hinawakan ko ang mukha ko ng tumama ito sa sahig. Nalasahan ko ang likido sa aking bibig. Hindi pa man ako nakakatayo ay kaagad niya akong hinila patayo at isinandal sa dingding. Matapos nito ay sinakal niya ako.


"Damn! how dare you!" Kita ko ang galit niyang mga mata. Posibleng mapatay niya ako ngayon!

"B-bitawan mo ko p-please." Hindi makahingang sabi ko. Nahihirapan na ako dahil sa diin ng pagkakasakal niya sa akin. Tumulo ang aking mga luha dahil parang malalagutan na ako ng hininga. Nakita kong lumambot ang ekspresyon niya ng makita ang luhang lumandas sa aking mga pisngi. Kaagad niya akong binitawan at hinawakan ko ang leeg ko na mukhang magkakapasa at hinahabol ko ang aking hininga.

"I don't wanna see your face ever again." Madiin niyang sabi. "I wanna kill you, but I can't." Kaagad akong napatingin sa kaniya. Muling nabuhay ang pag-asa sa aking sarili na mapapatawad pa niya ako at muli niya akong mamahalin...

"Because I wanna see you suffer, As a punishment for killing my child." Kinurot ang puso ko sa sinabi niya at muling naglandas ang luha sa aking mga pisngi, kaya napayuko ako. "Killing you was not the best solution, seeing you suffering and begging for mercy was nothing compare to whay you've done." Bumalik siya sa kaniyang mesa at umupo sa dulo nito habang iniinom ang wine sa baso.


Tinitigan niya ako matapos siyang uminom at saka lumapit sa akin at hinawakan ang panga ko.

"I'll make you suffer until you regret the day that you were born....."



....


Umiiyak akong naglalakad papasok sa bahay namin. Hawak-hawak ko ang braso ko na nagkapasa na. Buti nalang at hindi pa dumadating sina Keit. Pinili kong magkupong nalang sa kwarto hanggang sa gumabi na. Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko kanina.



Bwisit na Anton Santos yun!



Hindi ko na rin nahatid ang mga pagkain sa lalaking yun. Wala na akong pakialam kanina at basta-basta nalang umalis. Nagulat pa ang mga empleyado ng makita ang itsura ko papalabas sa kompanya kanina. Pati si Mang Ben ay tinawag ako pero dumiretso lang ako sa pagtakbo. Babayaran ko nalang si Mrs. Tan sa mga pagkain.



Tulala akong tumitig sa kisame habang tumutulo ang aking mga luha. Masakit ang katawan ko dahil sa ginawa ni Eluisar kanina. He changed a lot.

No...

Eluisar was like that. Bago ko siya makilala ay kilala na siya bilang isang malupit na boss. Wala siyang awa sa mga taong kinakalaban siya. Nang makilala ko siya ay doon mas napatunayan ko ang kasamaan niya. Pero di nagtagal ay mas nakilala ko siya. Ibang-iba siya noon sa mga tauhan niya at sa akin. Kung paano niya pagmalupitan ang mga tauhan niya ay kabaliktaran non ang ginagawa niya sa akin. Malambing siya at palaging nakangiti pag ako ang kasama niya. Walang oras siyang pinapalampas non ng hindi kami magkasama. He always surprise me, walang araw na hindi niya sa akin pinaramdam ang pagmamahal niya.Lahat ng mga yun ay parang bulang naglaho nalang ngayon. At lahat ng yun ay dahil sa kagagahan ko.



Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon