Onse

55 3 2
                                    

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata dahil naramdaman ko ang init ng sikat ng araw. Hinawakan ko ang aking tiyan dahil kumukulo na ito. Gumapang ako papunta sa gilid para hindi matamaan ng sikat ng araw ang mga sugat ko sa likod. Hinang-hina ako habang nakatagilid sa pader at niyakap ang dalawang tuhod ko. Hindi ko pwedeng isandal ang likod ko sa pader dahil sariwa pa ang mga sugat ko rito.



Ilang minuto lang ay bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang babaeng may katabaan. May dala itong isang basong tubig at inilapag sa harapan ko.



"Pinapasabi ni Sir Eluisar na dapat magkaroon ka ng lakas. May darating rin na tauhan para gamutin ang sugat mo." Matapos sabihin iyon ay lumabas na siya.



Dahan-dahan kong inabot ang tubig at ininom ito. Nang maubos ko ito ay muli ko itong inilapag sa sahig. Hindi rin nagtagal ay may pumasok na dalawang lalaki na mukhang doktor at nurse. Ginamot nila ang sugat ko at nilagyan ito ng puting tela. Kita kong walang emosyon ang kanilang mga mata habang ginagamot ako. Nang matapos sila ay kaagad din nilang niligpit ang kagamitan at umalis na.

Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil nakabalot na ang sugat ko. Sinubukan kong tumayo pero muli akong bumagsak dahil sa sobrang kahinaan. Hindi ko namalayan na sa paglipas ng oras ay muli akong nakatulog.





Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang pagbukas ng pinto. Napansin kong dumidilim na rin ang kalangitan. Nakita kung pumasok si Eluisar kasama ang isang lalaking malaki ang katawan at hindi masiyadong kagwapohan. Mas matangkad din sa kaniya si Eluisar. Nanindig ang balahibo ko dahil biglang ngumisi ito sa akin ng magtama ang paningin namin. Habang si Eluisar naman ay walang emosyong nakatingin sa akin.



"Make yourself satisfied." Pagkatapos niyang sabihin sa lalaki ang nga katagang yun ay lumabas na si Eluisar. Muling dumilim ang buong paligid at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na kwarto.



Kinilabutan ako ng lumapit ang lalaki sa akin at hinawakan ang pisngi ko. " Ang ganda mo." Inilapit niya ang bibig sa leeg ko kaya pumalag ako.



Ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya hindi ako makakilos. Sobrang sakit din ng likod ko dahil pabagsak niya akong isinandal doon. Halos himatayin ako sa sakit na nararamdaman ko. Ngunit wala pang mas sasakit sa katotohanang si Eluisar mismo ang may gustong galawin ako ng lalaking to.



Unti-unting tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Hinalikan niya ako sa pisngi pababa sa leeg ko. Halos mandiri ako ng maramdaman doon ang kaniyang mga labi. Hinang-hina na ako at halos hindi na makagalaw.



"W-wag pakiusap." Nahihirapang sabi ko habang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Mabilis lang to." Napaigtad ako ng haplusin niya ang aking mga hita. "Hmmm ang kinis mo naman."



Bumaba ang kaniyang mga halik sa aking dibdib kaya lakas loob ko siyang itinulak. Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at pumunta sa pintuan. Pilit kong binubuksan ito pero mukhang naka-lock ito.


"Tulong! Nagmamakaawa ako tulungan niyo ako!" Sigaw ko habang hinahampas ang pintuan. Patuloy na bumabagsak sa aking mga mata ang aking mga luha. "Eluisar tulungan mo ako!" Ginamit ko ang natitira ko pang lakas para sumigaw.


Napapikit  ako ng maramdaman kong lumapit sa akin ang lalaki at hinawakan ang dalawang kamay ko at inilagay sa pintuan habang  hinahalikan ang aking leeg. Nakakilabot ang kaniyang mga halik. Mas lalong bumilis ang pag-agos ng aking mga luha.



"E-eluisar pakiusap tulungan mo ako..." Nanghihinang sabi ko. " Nagmamakaawa ako please tulungan mo ako. Ayaw ko nito pakiusap..." Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata.



Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon