Bumalik ako sa opisina ni Eluisar matapos ang narinig ko. Nakita kong bumukas ang pintuan. Ngumiti ito sa akin kaya kaagad nawala ang kabang naramdaman ko kanina. Pero hindi pa rin nawawala sa puso ko ang lungkot at pait na nararamdaman ko. Sa madaling salita ay ang konsensiya ko.
"Ahh Eluisar gusto ko na sanang umuwi." Kaagad naman nagtaka ang mukha niya sa sinabi ko.
"Why?" Takang tanong nito sa akin.
"M-masama kasi ang pakiramdam ko. Gusto kong m-magpahinga." Pagsisingungaling ko.
Kaagad itong lumapit sa akin at inilagay ang palad sa aking noo. "Hindi ka naman mainit." Nakakunot noong sabi nito.
Tumikhim ako. "Pero masama ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko.
Bumuntong hininga ito. "Okay I'll drive you home."
Akmang kukunin na niya ang susi ng sasakyan ng pigilan ko siya. "Wag na kaya ko namang umuwi mag-isa."
"Is there any problem hon?" Mariin nitong sabi na naguguluhan kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Wala. Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Next time nalang tayo mag dinner kung pwede? Paglulutuan kita ng marami." Nakangiting saad ko dito.
" Okay, But first let me drive you home." Pagpupumilit nito.
Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito at pumasok ang sekretarya. "Sir may meeting po kayo ASAP sa mga investors from UK." Nakangiting saad nito.
"See? Ako nalang ang uuwing mag-isa. Mukhang may aasikasuhin ka pa eh."
"No I'll drive you home They can wait."
"Wag na sabi ang kulit."
"Bu-"
"Oi bro! ako na bahala kay buen maghatid." Nagulat ako ng sumulpot si Maccoy sa gilid nito at nakangising inakbayan siya.
"Kaya kung umuwi." Mariing sabi ko dito.
"No. Maccoy will drive you home." Mariin nitong sabi sa akin. Magsasalita pa sana ko ng unahan na ako nito. "Please hon.."
Napabuntong hininga nalang ako. "Okay fine." Pagsuko ko.
"Yun oh! Pano una na kami Eluisar!" Masayang sabi ni Maccoy.
"Don't lay your fucking hands at her. I might kill you right away." Banta ni Eluisar ng akmang hahawakan ni Maccoy ang kamay ko.
"Sabi ko nga kasi hindi na." Nakangiwing sabi nito.
Lumapit naman si Eluisar sa akin. "Be careful hon. Just text me when you already at home." Sabi nito at hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako sa ginawa nito. Para sa akin kasi ang paghalik sa noo is the sweetest and romantic kiss in the world.
"Yes I will." Nakangiting turan ko dito.
"Take care. I love you hon..." Matamis na sabi nito.
"I love you too..." Kaagad akong tumingkayad para maabot ang labi niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Napansin ko naman ang pangisi nito sa ginawa ko.
"You always made me surprise. Now go baka hindi na kita paalisin."
"Woosh tayo na buen baka itali ka niyan!" Lumabas na si Maccoy kaya sumunod na ako dito.
"Ang lakas talaga ng tama ng kaibigan ko sayo." Sabi nito habnag papasok kami sa elevator. "I wonder kung anong gayuma ang pina inom mo sa kaniya."
"Gago."
"Hoy ikaw buen nahahawa ka na dun sa kaibigan mong maliit sa pagmumura." Nanlalaking mata na sabi nito sa akin.
"Ang ingay mo kasi." Inis na sabi ko. Habang inaalala ko ang mga narining ko kanina ay nahihirapan akong harapin si Eluisar. Napatingin ako kay Maccoy. Posible kayang may alam na siya? Umiling ako at ibinalik sa harap ang tingin. Kung may alam man siya ay paniguradong hindi niya maatim na makasama ako kahit ilang segundo lang.
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...