Bente Sais

48 2 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin kong sabi sa kaniya habang tinitingnan ito ng masama. Ngumisi ito.

"Didn't you miss me? Masyado ka atang nag-enjoy sa pang-aahas sa mapapangasawa ng kapatid mo."

"Wala akong ginagawa."

"Oh c'mmon buen! Ikaw ang dahilan kung bakit inatras ni Eluisar ang kasal!" Galit na sigaw nito kaya ngumisi ako.

"Good for you."

"Damn you buen! Because of you nasira ng lahat ang plano ko!"

"Wala akong pakialam. Problema mo yan at hindi sa akin kaya get lost." Akmang lalampasan ko na siya ng hawakan nito ang braso ko at itulak ako paatras kaya napabalik ako sa harapan nito.

"Masiyado ka ng bastos." Mariin na sabi nito.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Di naman ako na inform na kailangan palang respetuhin ang katulad mong walang kaluluwa."

"Are you pointing yourself?" Kaagad nagbago ang ekspresyon nito at ngumisi. "We know na sa ating dalawa ay mas masahol ka pa sa akin buen."

"Hindi ako tulad mo." Matigas kong sabi.

"Ofcourse not! Hindi naman talaga kita katulad. Because I didn't kill my own mother." Nakangising saad nito.

Kaagad kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa ito na parang hindi makapaniwala. "Let's just say na isang araw narinig ng isang batang babae na anak pala siya sa labas ng kaniyang ama at bunga lamang siya ng panglalandi ng ina nito. Pinuntahan niya ang totoong niyang ina at pinatay ito dahil hindi niya matanggap na bunga lang siya ng isang kalandian." Ngumisi ito.

"That's not true!" Sigaw ko.

Tumawa ito sa naging reaksiyon ko. "Look at you. Wala pa nga akong binabanggit na pangalan. Guilty ka na"

"Dahil hindi naman yan totoo!" Sigaw ko dito.

"No you killed your own mother because you can't accept the fact na bunga ka lang ng isang pagkakamali!" Mariing sigaw nito.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Umiwas ako ng tingin dito.

"Malinaw pa ang mga mata ko ng mangyari yun buen. You shoot her."

"Sabing hindi ko nga ginawa yun!" Sigaw ko dito.

"You keep denying the truth. Ikaw ang bumaril sa kaniya. Galit na galit ka dahil sa nalaman mo right? Kaya nagmadali kang puntahan ito. And you're just 10 that time buen. Kaya wag kanang magtaka kung hindi ka kayang tanggapin ni Bianca."

Kaagad tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Hindi totoo yan."

Tumawa ito. " Masakit bang isampal sayo ang katotohanang matagal mo ng inililihim sa sarili mo buen?"

Tiningnan ko ito ng masama habang patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. "Umalis ka na." Mariin kong sabi.

"Tandaan mo buen. Hindi lahat ng sekreto maitatago mo hanggang kamatayan."

"Sabing umalis kana!" Sigaw ko dito pero tumawa lang ito at pumasok na sa kotse.

Nang makaalis na sila ay pumasok na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luha ko.

Hindi... Hindi ko pinatay ang totoong nanay ko. Hindi...

......

Gabi na ng magising ako. Nakatulog ako kaninang umaga dahil sa kaiiyak. Kaagad akong naligo at nagbihis. Nagdala na rin ako ng mga iba pang gamit ni Alexa. Pababa na ako ng makita kong papasok na si Keit sa bahay. Nagulat ito at kaagad na napahawak sa dibdib.

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon