Sais

46 2 0
                                    

Nagising ako sa mainit na sikat na araw na tumatama sa balat ko. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Teka? bat nasa kwarto nako?




"Omg! Gising kana!?" Rinig ko ang sigaw ni Keit at kaagad itong pumasok. Hinawakan nito ang noo ko at leeg. "Mabuti naman no at bumaba na iyang lagnat mo!"


"A-anong nangyari?" Naguguluhang tanong ko.


"Duh girl! Tatlong araw ka lang namang tulog. Daig mo pa ang nacomatose!"


"Bakit anong nangyari sa akin?" Tanong ko.


"Nakita ka namin sa labas ng bahay na walang malay at inaapoy ng lagnat!" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ang huli kong natandaan ay nasa ulan ako habang nakatitig kay Eluisar.


"A-anong suot ko nun?" Tanong ko.


"Well." Natatawang sabi niya. "Balot na balot ka lang naman ng kumot na parang itlog HAHAHAHA!" Hawak pa niya ang tiyan niya habang tumatawa.


"H-hindi ako basa?" Nagtaka naman ang mukha niya habang tiningnan ako.

"Anong basa ang pinagsasabi mo. Eh ang tuyo mo nung makita ka namin sa labas!" Tumawa naman siya na parang wala ng bukas.




"Oh gising kana pala Buen." Pumasok si Alexa habang naka uniporme pa. Nagulat ako ng batukan niya si Keit.


"Ano ba naman yan!" Sigaw nito saka tiningnan ng masama si Alexa.


"Kakagising lang ng tao ang ingay na ng bunganga mo. Nasa labas pa lang ako rinig ko na yung tawa mo."Lumapit sa akin si Alexa at sinipat ang leeg at noo ko. Nakita ko namang bumusangot si Keit.


"Maghahanda lang ako ng hapunan." Sabi nito saka lumabas.


"Akala namin ano na ang nangyari sayo. Buong magdamag ka naming hindi ma contact. Tapos makikita ka nalang namin sa labas na balot na balot." Sabi niya habang natatawa.


"Ganun ba kalaswa ang itsura ko para pagtawanan niyo?" Nakangusong sabi ko.


"Hindi naman, ang cute mo nga eh!" Nakangiting sabi niya saka lumapit sa tainga ko. "Hindi halatang isang Villafuerte ang may gawa" Bulong niya sa akin at ngumisi.


Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Si Eluisar?"


Tumango ito na parang bata. "May pag-asa pa Buen." Nginitian niya ako.




Muling nanumbalik ang maliit na pag-asa sa aking dibdib. Sana pakinggan niya ang paliwanag ko.


Sana..




Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Keit.




"Sure ka ba na ayos ka na?" Tanong niya habang naglalakad na kami papasok sa pagtatrabahuan namin.


"Oo nga." Kanina pa niya ako tinatanong kung ayos lang ba talaga ako.




Inilagay namin ang gamit sa maliit na locker. Matapos nito ay nagbihis na kami ng uniform at dumiretso na sa naka-assign sa amin. Natapos ang araw namin na sobrang pagod dahil sa dami ng customer. Basta intsik talaga malakas sa negosyo.


Umupo ako sa sofa at ipinatong paa ko sa maliit na mesa. Nakita kong humiga si Keit sa kabilang sofa.




"Ang sakit ng katawan ko grabe." Reklamo niya habang hawak ang likod. Maging ako ay sumasakit din ang paa at likod kakatayo.


Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon