"Hoy babae san ka nanaman galing!?" Naabutan kong nakapmeywang sa pintoan si Keit habang nakataas ang isang kilay.
"May pinuntahan lang." Sabi ko saka pumasok.
Sana hindi malaman ng Benedict na yun kung nasaan kami. Tiyak akong ipapahanap na ako nun.
"At bakit ganiyan ang suot mo?" Napatingin ako sa suot kong naka black highwaisted jeans at fitted sando croptop at boots na itim.
"Wala trip ko lang." Bored na sabi ko saka pumasok na sa kwarto ko at nagbihis.
Pagkatapos ay bumaba na ako. Naabutan kong papasok na si Alexa at Mikki. Si keit naman ay naka upo na sa sofa.
"Hay sa wakas tapos na ang finals!" Nakangiting sabi ni Mikki saka umupo sa sofa katabi ni Keit.
"Talaga? Wow Congrats sa inyo!" Masayang bati ni Keit sa kanila.
Ngumiti naman si Alexa.
"Congratulations." Nakangiting sabi ko sa kanila. " Magluluto na muna
ako."Dumiretso ako sa kusina at naisipang magluto ng adobong manok. Buti nalang at nakapag grocery ako kanina. Nagsaing na rin ako sa rice cooker habang nagluluto. Pagkatapos kong magluto ay inihain ko na ang pagkain sa mesa at tinawag na sila.
Matapos naming magdasal ay kumain na kami."Infairness Buen may talent ka talaga sa pagluluto." Sabi ni Keit habang kumakain. Ngumiti lang ako saka kumain.
"Uuwi nga pala ako sa probinsiya bukas." Nagulat kami sa sinabi ni Mikki kaya agad kaming napatigil sa sinabi niya.
"Wag kayong OA bibisitahin ko lang si Kurt dun."
"Ilang araw ka don?" Tanong ni Alexa.
"Tatlong araw lang. Ayaw kong mamiss ang birthday ni Buen." Nakangising sabi niya.
.....
"Aalis ka na talaga?" Nakangusong sabi ni Keit.
Nandito kami sa kwarto ni Mikki at tinitingnan siyang mag impake.
"Oo, puro ka daldal kung tinulungan mo nalang sana ako dito edi sana tapos nako."
"Parang isang taon ka naman mawawala sa dami ng dala mong gamit!" Pagmamaktol ni Keit.
"Tanga! Ibibigay ko itong mga damit na hindi na magkasya sa mga pinsan ko don." Sabi ni Mikki habang isinasarado ang zipper ng maleta
niya."Ikamusta mo nalang kami kay Kurt at sa pamilya mo don." Nakangiting sabi ni Alexa.
"Oo naman kayo pa."
Tinulungan naming magbuhat si Mikki ng mga dala niya hanggang sa labas.
"Pano alis na ako bye girls!" Nakangiting kumaway sa amin si Mikki habang papasok ng tricycle.
"Ano ba naman yan wala na akong kaaway hmmp!" Nakasimangot na tiningnan ni Keit ang papalayong tricycle.
"Yan pa talaga ang nasabi mo huh." Sabi ko saka pumasok na at umupo sa sofa namin. Nakita ko namang tumabi sa akin si Alexa at parang malalim ang iniisip.
"Ikaw? Hindi ka ba magbabakasyon?"
Umiling siya sa tanong ko."Mas gusto kong bawiin sa tulog ang lahat ng pagod ko kaysa bumiyahe." Tamad na sabi niya. " Ikaw? Wala ka bang balak na maghanap ng trabaho?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi pwedeng kung saan-saan lang ako mag apply ng trabaho. Masyadong maraming koneksiyon si Benedict ang Ama ko. At sa oras na malaman niya kung nasaan ako ay hindi ako nito palalampasin.
Nabuhay ang kaba sa dibdib ko ng maalala ang nangyari kagabi.
Nakita niya ako!
Posibleng ngayon palang ay nangangati na ang kamay niyang hulihin ako. At sa oras na malaman niyang nandito ako kina Alexa ay tiyak idadamay niya ang mga ito sa kagaguhan niya.
"Hoy Buen! Samahan mo naman akong mamili ng uniform!" Nakangiting sabi Ni Keit habang papasok sa bahay.
"Si Alexa nalang." Reklamo ko.
"Anong ako? Magpapahinga pa ako no dahil kakatapos lang ng finals namin." Tumayo ito at humikab saka pumasok sa kwarto niya.
"Sige na Buen!" Nagmamakaawang sabi ni Keit.
"Okay na sige ako na!" Sigaw ko at pumasok na sa kwarto para maligo at magbihis.
Dumiretso kami sa Department Store para mamili ng uniform niya. Ang sabi niya ay kursong nursing din ang kinuha niya. Nahinto si Keit nong Third year College siya dahil kapos siya sa pera. Namatay ang parents ni Keit dahil sa isang pagsabog. Actually ang misyon ko nong araw na yun ay magmasid sa mansiyon nila. Oo mayaman sina Keit, Pero kasabay ng pagsabog ng mansiyon nila ay ang pagkawala ng lahat sa kaniya. Nakita kong pasakay na siya sa sasakyan niya non ng biglang sumabog ang bahay nila. Babalik na sana siya sa loob para iligtas ang pamilya niya, Pero kaagad ko siyang pinigilan. Iyak siya ng iyak noon habang unti-unting tinutupok ng apoy ang bahay nila.
"Hoy!" Nagulat ako ng binatukan ako ni Keit kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Kanina pa kita tinatanong kong anong bagay sa akin!" Tiningnan ko naman ang hawak niyang dalawang uniform. Magkatulad lang naman ang disenyo pero magkaiba ang sizes. Yung isa maluwang tas yung isa ay mukhang maliit.
"Piliin mo nalang kong san ka komportable." Sabi ko saka umupo sa isa sa mga upoan don.
"Oo nga!? Galing mo talaga Buen.
Napairap nalang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Matapos naming mamili ng mga kakailanganin niya sa eskuwela ay kumain na muna kami sa Jollibee.
Papalabas na sana kami ng mall ng biglang hinawakan niya ang braso ko. Taka ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya at tinaasan siya ng kilay.
"Anong problema mo?"
"OMG BUEN! Naiwan yung pinamili natin sa Jollibee!" Nasapo ko ang noo ko dahil sa katangahan ni Keit. "Hintayin mo ko babalikan ko lang!"
Dali-dali siyang pumasok ulit sa mall. Umupo na lang ako sa gilid ng hagdan ng entrance sa mall. Nagulat ako ng may makitang bulto ng lalaki sa harapan ko. Tuminding ang balahibo ko ng makita ang mukha niya.
Eluisar..
.....♥
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...