Trentay Uno

53 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Art cafe. Dito kami manananghalian. Mukhang nabadtrip si keit kanina kay maccoy.

"Naku! Nakakabwisit talaga ang lalaking yun!" Inis na sigaw ni keit habang kumakain.

"Kumain ka nalang diyan ang ingay mo." Sita ni Alexa dito.

"Palibhasa tulog kaya di alam ang nagyari kanina. Dimo tuloy nakita kung gaano kalakas sumuntok si Eluisar!"

"At bakit?" Baling sa akin ni Alexa.

"Ay naku! May lumapit kasing mga hot sa amin kanina. Yun nga tulog ka kaya dimo na see. Eh napuno yung Papa eluisar niyo. Kaya ayon! Basag ang panga sa lakas ng sipa!" Namamanghang sabi ni keit.

Napailing nalang si Alexa sa sinabi ni Keit. Napatingin kami sa entrance ng pumasok doon si mikki at kaagad na umupo katabi ko.

"Oh nasan yung angelo mo?" Tanong ni keit dito.

"Ayun iniwan ko muna. Baka manosebleed ako kaka english." Anito at uminom ng juice na nasa harap niya.

"Akin yan." Kaagad kinuha ni Alexa ang juice. Napangiwi nalang si mikki.

"Damot." Umorder si mikki ng pagkain niya. At sabay sabay na kaming kumain.

"Next destination is Matinloc Island!" Napatingin naman kami kay keit na ngayon ay nakatingin na sa telepono niya. May libre kasing wifi dito kaya nagsesearch siya ng pwede naming puntahan.

"Maganda ba don?" Tanong ni mikki habang kumakain.

"Oo ang sabi dito ay isa daw itong private beach. At naging inspirasyon sa nobelang 'the beach' ni Alex Garland na binigyang buhay ni Leonardo Decaprio! My jack!" Kinikilig na sabi nito.

"San naman yan banda?" Tanong ko.

"Yun nga eh dapat may tour guide tayo." Nakasimangot na sabi nito.

"Ehem! Tour guide ba kamo?" Napatingin kami sa gilid at nakita namin doon sina maccoy, eluisar at manolo.

"Sinusundan niyo ba kami?" Pinaningkitan ito ng mata ni keit.

"Baka girlfriend ni eluisar ang sinusundan namin at hindi ikaw. Wag kang assuming nakamamatay yun." Pang-aasar nito kay keit.

"Do you guys mind if we join?" Tanong ni Manolo. Pansin ko naman ang pagkatahimik Eluisar at hindi ako pinapansin. Anong problema nito?

"Kung kayong dalawa ni manolo ay pwede! Halikayo upo kayong dalawa!" Tumabi naman sa akin si eluisar at si manolo ay kay mikki.

"Hoy napakabastos mo!" Sigaw nito kay keit.

"Dito ka nalang." Sabi ni Alexa at lumipat ng upuan para makaupo si Maccoy.

"Buti pa tong kaibigan mong maganda may mabuting kalooban. Ikaw mukhang pinaglihi sa sama ng loob!" Bulyaw nito kay keit.

"Aba-"

"Keit!" Saway ni Alexa dito. "Kumain nga tayo ng tahimik pwede bah?"

Inirapan nalang ni keit si maccoy na inismiran rin nito.

"I heard you guys want to go at matinloc island." Panimula ni Manolo.

"Yes!" Sagot ni keit dito.

"We can tour you here at El Nido since we're familiar at here." Nakangiting saad nito.

"Sure!" Masayang sabi ni keit.

Tahimik lang akong kumakain. Nahihiya kasi ako sa huling pagkikita namin ni manolo ay galit ito sa akin at hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako pinapansin ni Eluisar. Habang si alexa ay kagaya ko ring tahimik na kumakain. Si mikki ay mukhang naiilang na katabi si manolo.

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon