"Anong pinagsasabi mo?" Mariing kong sabi dito.
"Buen niloloko ka lang nila."
"Sinong nila?" Tanong ko dito.
"Dad and Eluisar and the people around you! They just fooling you. Pinapakita nila sayo na they care for you but the fact is.." Awa akong tiningnan nito sa mga mata. "They just pretending beacuse they want you suffer."
Kaagad akong napatingin sa kaniya. "Wag mo akong pinagloloko Beatriz. Kung ginawa mo ito dahil nagseselos ka pwes hindi yan tatalab sa akin. Mas mabuting aalis na ako." Tatayo na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"No buen please listen to me! I heard dad talking eluisar on the phone and one of your friends! Pinagkakaisahan ka nila buen! papabagsakin ka nila!" Kaagad kong hinila ang kamay ko dito.
"This is nonsense." Sabi ko at tumalikod na.
"I'm saying this because I care for you buen." Napahinto ako sa sinabi nito. "As your sister. Masakit sa akin na pinagkakaisahan ka. Please wag ka sanang mabulag sa ipinapakita nila sayo. Imulat mo ang mga mata mo buen. Wag laging puso ang pairalin mo." Naglakad ito at pumunta sa harapan ko. Kita ko ang awa nito sa mga mata. "You've suffered enough buen. Sobra na ang paghihirap mo. Please makinig ka sa akin.."
Hindi ko ito sinagot at dumiretsong lumabas sa restaurant na yun. Hindi ko alam pero may parte sa akin na paniwalaan ang mga pinagsasabi ni Beatriz.
Pano nga kung niloloko lang ako ni Eluisar? Pero imposible. Galit si Benedict nong malaman niyang hindi itutuloy ni Eluisar ang kasal nila ni Beatriz. Kung alam niyang niloloko lang ako ni Eluisar bat naman ito magagalit? Kaya imposible talagang magkakampi ang mga ito.
Sino naman kaya sa mga kaibigan ko ang sinsabi niya? Si keit bah? Oo may kasalanan ako sa kaniya. Pero bakit iniisip ko pa lang na si Keit ang gustong pabagsakin ako at paghirapan dahil sa mga kasalanan ko ay nasasaktan ako. Bakit pag naiisip ko na niloloko lang ako ni Eluisar ay pinupunit ang puso ko?Umiling ako at pinahid ang luhang tumulo sa aking mga mata. Wag naman sanang pati ang mga kaibigan ko at ang lalaking pinakamamahal ko ay iwan at itaboy ako tulad ng pamilya ko. Dahil sa nakaraang pilit kong ibinabaon sa limot. Hindi ko kakayanin. Hindi ko kakayaning talikuran na ako ng lahat.
...
"Wow ang laki pala sa personal!" Manghang sabi ni Keit habang nasa harap kami ng eroplano.
Dalawang araw na ang nakalilipas at nakalabas na din si Mikki sa hospital. Nagtataka ako kung bakit hindi tumatawag o nagtetext sa akin si Eluisar. Tinry ko namang tawagan siya at i text pero walang response. Baka busy?
Pinapasok na kami sa loob ng private jet ni Manolo. Kaming apat lang ang nandito. Liban nalang sa piloto at isang flight attendant.
"Please fasten your seatbelt ma'am." Sabi ng isang stewardes sa amin.
"Alam niyo bah bagay akong mag flight attendant." Pagmamalaki ni Keit.
"Wow taas ng confidence ah. Sana kasing taas din niyan ang height mo." Pang-aasar ni Mikki dito na kaagad namang sinamaan ng tingin ni Keit.
"Matangkad ako mas lang kayo!" Sigaw nito.
"Wag mo na kasing pangarapin keit. Mahirap sa flight attendant pag dimo abot ang height requirement. Baka nagka emergency na tas ikaw kumukuha pa ng upuan para patungan sa pagkuha ng emergency kit." Natatawang sabi ni Mikki.
"Ang sama niyo." Galit nitong sabi.
"She is just stating the fact." Malumanay na sabi ni Alexa.
"Heh! pinagkakaisahan niyo ako! Buti pa si buen." Humarap ito sa akin. "Diba buen bagay naman akong maging F.A?" Nakangiting tanong nito sa akin. Tiningnan ko naman ito mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...