Madilim, maingay at nakakasulasok na amoy. Yan ang kaagad na bumungad sa amin pagkapasok namin sa loob ng bar. I was wearing a black ripped jeans and a white croptop, pinaresan ko ito ng white sneakers ko.
"Ano ba yan! ganito ba ang bar! nakakahilo ang ilaw ah!" Reklamo ni keit. She was wearing a sexy short and a yellow croptop, with her favorite sneakers and jacket.
"Wait, diyan lang kayo hahanapin ko lang ang mga tropa ko." Sabi ni Roy saka iniwan kami sa gilid.
"Ano ba yan hindi pa nga ako umiinom parang nahihilo na ako!" Nakangiwing sabi niya.
Napatawa ako sa reaksiyon niya. "Masyado ka namang inosenti tas bibig mo kasing ingay ng bar nato!" Nakangising sabi ko.
"Heh!"
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bar. It's been a year since nakatapak ako sa ganitong lugar. Naalala ko noon ng dinala ako ng isang lalaki sa buhay ko dito mismo sa bar nato. Napawi ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko siya. Kaagad kumirot ang puso ko habang inaalala ang pagmamahalan namin na nauwi sa masaklap na katapusan. I believe it's my fault at alam ko ring habang buhay kong pagsisihan ang desisyon kong iyon. At sana ay may puwang pa sa puso niya ang hinihingi kong kapatawaran.
"Buen naiihi ako!" Sigaw ni Keit. Masiyadong malakas ang tugtug sa bar kaya nagsisigawan na kami para magkarinigan.
"Edi umihi ka problema ba yun!" Sigaw ko pabalik.
"Samahan mo ko tanga!" Sigaw niya.
"Ano ka bata!" Sigaw ko.
Tiningnan niya ako ng masama at halatang kanina pa nagpipigil ng ihi.
"Halika na nga!" Hinila ko siya papunta sa C.R ng mga babae. Kabisado ko na rin kasi ang bar nato dahil minsan na akong nakapunta dito.
Kaagad na pumasok si Keit sa loob kaya naghintay ako sa labas. Hindi pa man ako nagtatagal sa paghihintay ay narinig ko ang impit na sigaw ni Keit. Dali-dali akong pumasok pero nakita ko na ang paglabas niya at hinila ako pabalik sa pwesto namin kanina.
"Gago yun ah!" Hinihingal na sabi niya at kaagad napatakip sa mga mata na animo'y umiiyak "My virgin eyes!"
"Hoy anong problema mo!" Sigaw ko.
Nanlalaki naman ang mga matang tiningnan niya ako kaya nagtaka na ako sa iniasta niya. "Buen! hindi na ako birhen!" Sigaw niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan!" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Mag nag ehem! don sa C.R!" Sigaw niya kaya kumunot ang noo ko.
"Anong ehem!" Nagtatakang tanong ko.
"Boba! may nag ehem nga!" Sinenyas niya ang daliri niya kaya nanlaki ang mata ko ng maintindihan ito. "Umuwi na tayo!" Sigaw niya na halatang naiinis.
"Nandito kana aatras ka pa!?" Sigaw ko.
Magsasalita na sana siya ng biglang may umakbay sa kaniya.
"Oi Keit, Buen dun tayo oh!" Tinuro ni Roy ang table na kung saan maraming kalalakihan ang naka-upo at kababaihan.
Hindi na nakapalag si Keit dahil inakay na siya ni Roy papalapit doon. Maging ako ay sumabay na lamang.
"Hey guys! this is Keit and Buen!" Pagpapakilala samin ni Roy.
"Naks! di kana totoy pare! dadalawa na ang chiks mo!" Sigaw ng isang lalaki na moreno.
"Excuse me! hindi niya kami chiks no or whatsoever! napilitan lang kaming sumama dito sa tukmol nato!" Pagrereklamo ni Keit sabay tanggal sa akbay ni Roy sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...