Tres

65 2 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Pasado alas diyes na ng gabi at nandito ako sa harap ng karagatan. Ang sarap sa pakiramdam na ganito ka payapa ang pakiramdam. Walang gulo at walang hinanakit.




"Hon.." Napasinghap ako ng maramdaman ang yakap ng isang lalaki sa aking likuran. Pinipigilan ko ang paghikbi ko at ang pag-agos ng aking mga luha.



Nagulat siya ng binaklas ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap ako sa kaniya. Those pointed nose, red lips, and half moon eyes that makes me fall inlove with him deeper.




"Is there any problem Hon?" Malambing na sabi niya.


"Let's end this Eluisar" Mataman ko siyang tinitingnan habang pinapatatag ang loob ko.


Nagulat siya sa sinabi ko "What are you talking about Hon?"

"I don't love you anymore.." Walang emosyon kong sabi.


"W-what are you talking about?" Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata.


Napasinghap ako at tumawa ng mapakla. "Hindi ka ba nakakaintindi!? ang sabi ko hindi na kita mahal!" Sigaw ko sa mukha niya.


"Is this part of your pregnancy? being a joker?" Tumawa siya na alam kong pilit pinapatatag ang sarili.


"No.." Mariin kong sabi "Let's end this Eluisar" Tinitigan ko siya sa mga mata. At doon nakita ko ang magkahalong galit at sakit dito.


"Fuck! we're having a baby Hon, Don't be like this please?" Hinawakan niya ang mga kamay ko pero kaagad ko ring binawi.


"I can't take this anymore." Sabi ko sabay talikod sa kaniya. "Let's break up"




Kaagad na hinabol niya ako at hinarangan ang dadaanan ko at hinaplos ang pisngi ko.




"D-don't be like this Hon." His voice broke. Halos bumigay na ako ng marinig ko ang papaiyak niyang boses. "Tommorrow is our wedding." Nakangiting sabi niya.


Tiningnan ko siya ng walang emosyon. "Cancel it." Mariing sabi ko at tinanggal ang singsing sa daliri ko at tinapon sa mukha niya.



Halos malaglag ang panga niya sa ginawa at sinabi ko.



"Fuck! we're having a baby Hon! Why are you like this!?" Ramdam ko galit at hinagpis sa boses niya.


Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "I already abort it."




Kita ko sa gilid ng nga mata ko ang matalim niyang titig sa akin.



"What did you say?" Galit niyang tanong sa akin.



Hindi ako nagsalita at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko at sinalubong ang nanlilisik niyang mga mata.




"Are you a deaf or stupid? I told you, I already abort the baby!" Sigaw ko.


"No!" Halos magtagis ang bagang niya sa narinig mula sakin. "Tell me, you're just kidding right?" Pilit siyang ngumiti habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.



Napakasakit, parang pinipiraso ang puso ko sa bawat luha niya.



"I'm not." Tinitigan ko siya para iparamdam sa kaniya na serysoso ako.


"Buen why did you do that!" Nanlilisik na ang mga mata niya habang hinahawakan ang braso ko.


"I told you! I don't love you anymore Eluisar!" Sigaw ko.


Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon