Kinse

54 3 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa kantina ng hospital. Kanina pa ako nagugutom. Inubos kasi lahat ni Keit ang dinalang pagkain ni Alexa. Habang naglalakad ako ay nakita kong lumabas sa isang kwarto si Bea. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya ron. Huli ng maalala kong binaril ko pala ang tatay niya.

Naglakad ako papalapit sa pintuan na nilabasan ni Bea. Unti-unti ko itong binuksan. Nang masiguro kong wala ng tao dito ay kaagad akong pumasok at isinirado ang pinto. Nakita kong nakahiga at natutulog sa hospital bed si Benedict. May puting tela ang nakabalot sa kaniyang hita.

Lumapit ako dito at tiningnan ang kaniyang mukha. Mapagkakamalan mo siyang inosenti dahil sa mukha niya. Mukhang hindi ito makabasag pinggan.

Napangisi ako sa naiisip ko. Ngunit kaagad din itong napawi ng makita kong binuksan nito ang kaniyang mga mata at ngumisi.

"If you're planning to kill me. You better think of it first, Buen."

Kaagad umusbong ang galit  sa puso ko.

"Manahimik ka Benedict. Hindi pa ito ang oras mo." Galit kong tingin sa kaniya.

Tumawa naman ito. "Ang sarili mo ang nagpapahirap sayo buen at hindi ang mga taong nasa paligid mo. And why don't you receive the fact that you're the enemy in your own battle."Nakangising saad nito.

"Shut up!" Sigaw ko.

"Noon pa man pinagsisihan kong naging anak pa kita." Mariin nitong sabi at tumitig sa akin.


Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko at pilit pinapatatag ang loob ko.

"Sana hindi nalang ikaw ang tatay ko." Mariin kong sabi.

"How I wish, Buen." Tumaas ang sulok ng labi nito. "How I wish na sana nga hindi ako ang tatay mo."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Siya pa talaga ang may lakas loob na sabihan ako ng ganun. Halos buong buhay ko ay siya na ang kumontrol sa akin. Ginawa niya akong laruan sa ginagawa niyang mga laro. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Alam kong anong oras lang ay tutulo na ito.



"Buen?" Kaagad akong napalingon sa aking likuran.


Doon nakita ko si Bea kasama si Mama. Nagtataka ang tingin ni Bea habang si Mama naman ay nanlilisik ang mga mata.


"What are you doing here!?" Galit na sigaw nito sa akin.

"Ma, please calm down." Hinawakan ni Bea ang kamay ni Mama at pilit pinapakalma.

"Paano ako kakalma kung nandito ang babaeng bumaril sa tatay mo!" Sigaw nito.

"Ma hayaan niyong magpaliwanag si buen." Mahinahong sabi nito kaya napangisi ako.

"Pabida.." Bulong ko pero alam kong narinig nika yun kaya mas lalong nanlisik ang mata ni Mama sa akin.

"You! How dare you tell that to my daughter!"

"Kung makapagsalita kayo parang hindi niyo rin ako anak." Pilit kung pinapatatag ang loob ko at pinipigalan ang luha ko.

"Hindi naman talaga kita anak! Wala akong anak na demonyita tulad mo!"

"Ma!" Sigaw ni Bea.

Tumingin ito sa anak at mariin itong tiningan "Bakit totoo naman diba? Binalak ka niyang patayin Bea." At pagkatapos ay tumingin ito sa akin.
"And now, pinagtatangkaan niya nanaman ang papa mo. Sinong ina ang aako sa ganiyang klaseng anak na mamatay tao!" Galit na sigaw nito.



Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Masakit marinig ang mga katagang yun sa sarili mong nanay. Sobrang sakit ng puso ko sa narinig ko kaya hindi ko na pigilan ang luhang kumawala sa aking mga mata.


"Ma, please stop. Masakit na ho yung pinagsasalita niyo." Awang tumingin sa akin si Bea.

"I don't care kung masaktan siya. She deserves it." Sabi nito saka mariin akong tiningnan.


Parang pinipiga ang puso ko. Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa katotohanang sinampal niya sa akin. Magmula ng mamulat ako sa mundo ay hindi niya ako kinilala bilang anak. Kaya lumaki akong may malaking inggit kay Bea. Masama bang magtanim ako ng sama ng loob dahil sa pinaparamdam nila sa akin?


"You better get out buen." Rinig ko ang boses ng Papa ko sa aking likuran. Pinahid ko ang luha at hinarap siya. Tiningnan lang ako nito ng walang emosyon. Tumalikod na ako at nilampasan sina mama.


Tumakbo ako palabas ng hospital. Hindi ko alam kung saan lugar na ako dinala ng mga paa ko. Namalayan ko nalang na nasa likod na ako ng hospital. Pansin kung walang tao don kaya napaupo ako sa sa isang palapag ng hagdan.



Doon ako umiyak ng umiyak. Bakit walang katapusan ang sakit na dumadating sa buhay ko? Ganun ba ako kasama para parusahan ng ganito?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Parang naghahalo ang galit, poot at labis na kalungkutan. Parang pinagkaitan ako ng mundo ng isang masayang buhay.
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng isang masayang pamilya at kontentong buhay kasama ang mga taong mahal ko. Ganun ba ako kasamang tao para ipagkait sa akin ang simpleng buhay na noon paman ay pinapangarap ko na?

Bakit parang nasalo ko lahat ng problema sa mundo? Ito ba ang naging kaparusahan ko sa mga nagawa kong mga kasalanan noon? Nag uumpisa na ba ang paniningil sa lahat ng nagawa ko?


"Buen...." Natigilan ako sa pag-iyak dahil sa naring kong boses. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo.


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaki sa harapan ko. Nakita ko sa mga mata niya ang awa at simpatiya sa akin.



"Eluisar...." Mahinang sabi ko.



"What happen?" Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking luha gamit ang kaniyang mga kamay.



Nagulat ako sa ginawa nito. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito.


"Buen what happen? Tell me...." Masuyong sabi nito at hinawakan ang aking pisngi gamit ang isang kamay niya.



Bagkus na sagutin siya ay muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Masakit pa rin ang puso ko dahil sa nangyari kanina. Mas lalo itong nadagdagan ng makita ko ang mga mata ni Eluisar. Ang mga matang minsan ko ng pinaluha...


Nagulat ako ng niyakap ako nito kaya napunta ang mukha ko sa kaniyang dibdib.


"Everything's gonna alright. Please stop crying."

Hinimas nito ang aking likod. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa yakap niya kaya iniyak ko lahat ng hinanakit ko sa kaniyang dibdib.





Maari kayang napatawad na niya ako?






.....♡










Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon