Quarentay Tres

134 6 0
                                    

Pabalik sa kwarto ko ay si mama na ang sumama sa akin. May emergency daw kasi yung nurse na kailangan asikasuhin sa hospital.

"Anong nangyari kay red dragon?" Tanong ko kay mama habang tulak-tulak nito ang wheelchair.

"He's dead buen. After he shoot you ay binaril siya ng papa mo." Paliwanang nito.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya kahit papaano. Naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya. Tulad ko ay wala siyang hinahanap sa mundo kung hindi pagmamahal. Pero ang kaibahan lang namin ay tuluyan siyang nagpalamon sa inggit, selos at poot sa puso niya.

"Pupunta dito ang papa mo mamaya at mga kaibigan mo." Sabi ni mama kaya tumango nalang ako.

Nang pumasok kami sa kwarto ko ay nagulat ako dahil nandun si alexa.

"Alexa.."

"Buen.."

"Mas mabuti sigurong iwan ko muna kayo dito." Lumabas si mama sa kwarto ko at naiwan kaming dalawa ni alexa.

"Bakit buen?" Mariing tanong nito. "Gusto kong sagutin mo kung bakit mo pinatay ang kapatid ko?"

Napaiwas ako ng tingin dito.

"Buen gusto kong sagutin mo ang tanong ko.." Mariings abi niya. Naoatingin ako sa kaniya at kita ko ang pamumuo ng luha niya.

"Binalak niya akong gahasain, Alexa." Naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Imposible! Siya ang nag insist na patirahin ka sa bahay noon buen nong walang-wala ka! He is the one who helped you!" Galit na sigaw nito sa akin.

"I'm telling the truth alexa!" Sigaw ko dito. "He attempts to raped me that night. Wala ka non sa bahay niyo and I saw him using drugs." Kita kung nagulat ito sa sinabi ko. "I just ignored it alexa. Hindi ko pinansin dahil alam kung wala ako sa lugar para suwayin siya. Pinasok niya ang kwartong tinutulugan ko. Nanlaban ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko. "

"Kaya pinatay mo siya!?"

"He's high alexa! Wala siya sa tamang pag-iisip. He has knife that time. Tinutukan niya ako ng kutsilyo at sinabing wag akong mag-ingay."

"Pinatay mo pa rin siya."

"Because he stabbed me alexa! Wala akong nagawa para pigilan ang sarili ko. Nasaksak ko siya alexa at yun ang ihinihingi ko ng tawad sayo dahil hindi ko nakontrol ang sarili ko.." Nakita kung bumagsak ang mga luha niya. "Patawarin mo ako kung napatay ko ang kapatid mo.."

Tiningnan niya ako ng mariin bago naglakad palabas. Napabuntong hininga ako at hindi mapigilan ang luhang kumakawala sa mata ko...Sana mapatawad mo ako alexa...

Narinig ko ang pagpasok ni mama at hinarap ako. "Ayos ka lang ba anak?" Tumango at ako at pinahid ang luha.

Ngumiti ako dito."Mama gusto kong kumain ng pizza."

Nagtaka naman ito sa sinabi ko. "Sige pero sinong magbabantay sayo dito?"

"Kaya ko po ang sarili ko." Nakangiting saad ko dito. Tumayo ako sa wheelchair at inalalayan ni mama para maupo sa kama.

"Sige lalabas na muna ako." Hinalikan nito ang aking pisngi at ngumiti.

Lumabas na ito at napangiti ako. Ngayon ko lang naranasan ang pagmamahal ni mama. Pero kailangana ko munang ayusin ang sarili ko bago harapin ang bagong simula ng buhay ko. Pinilit kung tumayo at kinuha ang jeans at tshirt na nasa gilid ng mesa ko. Nandon din ang iba ko pang gamit na magagamit ko dito sa hospital. Tinanggal ko rin amg dextrose sa kamay ko at nagsuot ng sneakers.

Marahan kong binuksan ang pinto. Nang mapansing kung walang tao ay kaagad na akong lumabas. Sumakay ako sa elevator. Pagkababa ko sa groundfloor ay naglakad na ako papalapit sa entrance ng makita kung paparating sina keit at mikki kasama si maccoy at manolo. Kaagad akong nagtago sa likod ng pader.

"Ano ba wag mong kainin yan!" Rinig kung sigaw ni keit kay maccoy.

"Ang damot mo!"

"Para kay buen yan! Peace offering ko sa kaniya kaya wag kang epal!"

"Parang isa lang eh." Pumasok na ang mga ito sa elevator. Sumunod naman sa kanila ang dalawa na magkaakbay. Sa tingin ko ay ayos na sila.

Nang magsirado ang elevator ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Kahit hindi ka humingi ng tawad sa akin keit ay napatawad na kita.

Ngumiti ako bago tumalikod at dumiretsong naglakad palabas ng hospital.

Nang makalabas na ako sa hospital ay pumara ako ng taxi at sumakay dito.

Buong buhay ko wala akong ibang hinahanap kung hindi pagmamahal at pagkalinga galing sa pamilya ko.Nabuhay akong palaging hinahanap ang lugar ko sa mundo. Palagi kung hinahanap ang pagmamahal. Dahil dito dinala ako nito sa sakit at pighati.

Ginawa ko ang lahat para mahalin pero puro pasakit at bigat lang ang naging kapalit nito sa akin.

Gusto ko sanang sarili ko muna.....Ubos na ubos na ako......Lahat ng pagmamahal ibinuhos ko sa mga mahal ko.

Wala akong naitira para sa sarili ko. Pwede bangg ako muna ngayon? Pwede bang maging madamot naman ako ngayon? Pwede bang sarili ko muna ang mahalin ko? Pwedeng ako muna?

Ang sakit sobrang sakit dahil nagsakripisyo na ako pero nasasaktan pa rin ako

I want space.... Gusto kong bigyan ang sarili ko ng oras para mahalin ito...

Sana tanggapin niyo ang naging desisyon ko. At sana bigyan niyo ako ng oras para muling maghilom ang sugat sa puso ko at mahaling muli ang sarili ko....





.......♡

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon