Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit kasama ni Keit si Benedict? Totoo kaya ang sinasabi ng lalaking yun?
Kaagad kong iwinaksi sa isipan ko ang sinabi ng lalaking yun. Imposible na magagawa sa akin ni Keit yun.
Babalik na sana ako sa loob ng hinarangan ako ng isang lalaki. Nagulat ako ng muling makita ang pulang buhok niya. Ngumisi ito ng makita ang aking reaksiyon.
"Mahirap magtiwala sa panahon ngayon." Sabi niya habang nakangisi at nag yoyosi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Manahimik ka. Hindi magagawa yun ni Keit."
"Wala pa naman akong sinasabi. Masyado mong dinedepensahan ang kaibigan mo." Tatawa-tawang sabi niya.
"Because I have to. Kilala ko sila kaysa sa inyo. At kung ano man ang nakita ko posibleng may dahilan yun." Mariin kong sabi.
"Everybody isn't your friend, Buen. Hindi dahil kilalang-kilala mo sila ay hindi kana nila tatraydurin. " Sabi nito saka humithit ng sigarilyo at bumuga ng usok. "People pretend well. At the end of the day, real situations expose fake people. So pay attention." Sabi nito saka tinapon ang sigarilyo at inapakan. Ngumisi ito at nilampasan na ako.
Nilingon ko siya at napatulala sa sinabi niya. Aaminin ko natamaan ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng panghihinala kay Keit. Bakit? Bakit siya pa. Muling namuhay ang lungkot sa puso ko. Ngunit sa tuwing naalala ko ang mga ngiti ni Keit ay kusang nawawala ang panghihinala ko. Pinahid ko ang luhang namuo sa aking pisngi.
Hindi. Hindi nila magagawa sa akin yun...May tiwala ako sa kanila at magtitiwala ako.
Muli na akong naglakad papasok sa hospital at dumiretso sa kwarto ni Mikki.
......
Nagising ako ng maramdaman ang sikat ng araw sa aking balat. Kaagad kong tinakpan ang bintana gamit ang kurtina. Napatingin ako sa kamang nasa harapan ko. Nandoon si Mikki at wala pa rin malay. Napatingin ako sa pintuan at iniluwa non si Keit na may dalang mga pagkain.
"Oh gising ka na pala!" Masiglang sabi niya at inilagay ang mga pinamili sa mesa malapit sa akin. "Bumili na ako ng mga pagkain para sa breakfast natin. Nagutom kasi ako ng nagising kaya bumili na ako sa labas." Nakangiting sabi niya habang inaayos ang mga pagkain.
Tinitigan ko siya. Alam kong hindi magagawa yun ni Keit. Bwiset na lalaking yun nilason pa ang utak ko.
"Hoy!" Kaagad akong nagulat ng pumitik siya sa harap ko. "Alam kong maganda ako kaya pwede ba stop looking at me masyado kang obvious!" Napakunot ang noo ko.
"Obvious?"
"Oo! obvious na naiinsecure ka sa face ko!"
Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Nagsimula na kaming kumain.
"Nga pala kailan ang pasukan niyo?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.
"Sa June daw first week. May isang buwan pa ako para makapaghanda at matustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral."
Kaagad akong nakaramdam ng guilt sa sinabi ni Keit. Alam kong hindi niya mararanasan lahat ng hirap ngayon kung hindi dahil sa akin. Kung sino man ang taksil sa aming dalawa ay ako yun, aminado ako....
"Hoy gaga! Tulaley ka nanaman ano ba! nanghihinala na ako sayo ha baka bigla mo akong gahasahin dito!" Nanlalaking mata na sabi niya.
"Baliw." Napatawa ako dahil sa pinagsasabi niya.
Sana mapatawad mo ako Keit. Sana kahit malaman mo ang totoo ay hindi parin mawala sa mga labi mo ang mga ngiti at walang luhang papatak sa mga pisngi mo dahil sa nakaraang pilit ko ng binabaon sa limot ngayon.
Matapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko. Abala naman si Keit sa kakaaral sa kinuha niyang kurso. Mas mabuti na daw yung advanced iba talaga utak nito.
Umupo ako sa gilid ni Mikki. "Gumising kana. Masyado ng mahaba ang tulog mo. Babawi ka pa sa akin.." Ngiting sabi ko.
"Oo nga!" Sigaw ni Keit at saka lumapit.
"Masyado ng mahaba ang tulog mo at ang magiging bill natin sa hospital! Baka maging dukha yung loverboy mo!"
"Mas mabuti sigurong pag-aaral ang atupagin mo Keit kaysa tong natutulog na si Mikki." Ngiwing sabi ko sa kaniya.
Umismid naman siya. Narinig naming may kumakatok kaya kaagad kaming napatingin sa isa't-isa.
"Buksan mo.." Utos ko sa kaniya.
Lumapit naman siya dito at binuksan ang pinto. Nagtaka ako ng mapatulala siya sa labas nito. Hindi ko kasi makita ang nasa labas dahil nahaharangan ni Keit.
"Sino yan?!" Sigaw ko sa kaniya.
Nanlalaki ang mata na tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa nakita.
Nagtaka ako kaya lumapit ako. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa labas.
"Eluisar?" Gulat nasabi ko.
"Good morning, Buen.." Nakangiting saad nito.
"OMG! Totoo bato!? Isang Eluisar Vinz Villafuerte nasa harap ko!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Keit.
"Yeah." Natatawang saad ni Eluisar sa kaniya.
Nanibago ako sa awra niya ngayon. Nitong nakaraang linggo kasi ay nasanay akong palaging walang emosyon ang mga mata niya o di kaya ay galit.
Pero ngayon ay matatamis na ngiti niya ang sumalubong sa akin. Nakasuot ito ng black leather jacket at white shirt sa loob. Naka black jeans din ito at white sneakers.
"OMG! OMG! OMG! Noon sa mga magazines, billboard at tv lang kita nakikita ngayon personal na! Wow ang swerte ko naman!" Pumapalakpak pa ito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Ay naku maya na ang tanungan! Mas mabuting papasukin na muna natin siya baka pagkaguluhan dito sa labas." Lumilinga-lingang sabi ni Keit.
"No need."
Nagulat naman si Keit sa sinabi nito. "Why don't need?" Matigas na ingles nito.
"I only came her to pick up Buen." Nakangiting tiningnan ako nito kaya napalunok ako. Ang gwapo niya pag ngumingiti!
Nilingon ako ni Keit. "Ang haba ng hair mo te! Maka pagpaextension ng- Ay wait teka!" Natigilan siya ng mukhang may mapagtanto at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Eluisar. "OMG!
Siya yun-.." Kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na ang sasabihin niya.Pinanlakihan ko siya ng mata para manahimik ang bunganga niya. "San tayo pupunta." Baling ko kay Eluisar habang tinatakpan ang bibig ni Keit.
"It's a secret. We must go now." Sabi nito saka napatingin sa relo.
"As in ngayon na mismo!?" Gulat na tanong ko at binitawan ang bibig ni Keit.
"Yeah."
Napatingin ako sa suot kong faded jeans at oversized black shirt at naka tsinelas pa ako!
"M-magbihis na muna ako."
"No need." Sabi niya saka hinila ang kamay ko.
"P-pero..." Hindi na ako nakapagsalita dahil hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga ito. Kita ko namang hindi pa rin makapaniwala si Kei sa mga nakikita niya. Marahan na akong hinila ni Eluisar palabas ng hospital at papunta sa car park. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
Nakaramdam ako ng kilig dahil sa ginawa niya. Simpleng bagay lamang yun. Pero ang laking impact na sa akin. Ganun ka lakas ang tama ko sa kaniya..
Nang sumakay siya ng kotse ay kaagad niya itong pinaandar.
"Eluisar s-saan tayo pupunta." Tanong ko.
"A place we're we fell inlove." Hinawakan nito ang aking kamay habang ang isa ay nasa manibela. At ang nga mata ay nasa kalsada
"Let's back to the day when our hearts collide with each other. And forget the past that keeping our heart breaks... " Anito at sandaling tumingin sa akin at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
♡
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...