Disais

67 2 0
                                    

Napalayo ako kay Eluisar ng muli niyang hinimas ang aking likuran. Pinunasan ko ang luha ko. Nagulat naman siya sa ginawa kong paglayo sa kaniya.

"Are you okay?" Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"M-masakit pa kasi yung sugat ko sa likod..." Pag-amin ko. Bigla kasing kumirot ang sugat sa likod ko ng haplusin niya ito ng marahan.

"Fuck!" Kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Does it really hurt?" Pag-alalang tanong niya. Napatango nalang ako.

"I'm sorry.." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Napansin naman niya ang naging reaksiyon ko kaya kaagad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"I want to say sorry for everything that I've done to you buen.. " Kita kong naging malamlam ang kaniyang mga mata at ang sinseridad ng mga ito. "I can't believe what a fool I was to treat you like that. I completely understand now, that what I have done was stupid. And I'm fully prepared to do whatever it takes, to get you to forgive me..."

"B-bakit?" Mahinang tanong ko. Parang kailan lang ay galit na galit siya sa akin at halos patayin na ako. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kaniyang isang kamay. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"I just realized how immature I am buen. I hope you can find it in your heart to forgive me and allow me to show you the kind of love and respect you truly deserve, Buen..." Mas lalo akong hindi nakapagsalita sa mga sinabi niya.

"Pero..." Yumuko ako at pinunas ang luhang muling tumulo sa aking mga mata. "Ako ang dapat humingi ng tawad sayo Eluisar..."

Iniangat niya ang aking mukha gamit ang kaniyang kamay at kita kung ngumiti siya.

"Life becomes easier when you learn to forgive. And past is past buen in order to move on we must forgive.."
Ngumiti siya ng sinabi niya ito. Nagulat ako ng inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng idinampi niya ang labi sa aking labi. Marahan ang halik na iginawad niya sa akin. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. Parang tinatambol ang puso ko sa sobrang bilis.

Nakalimutan ko ang lungkot na naramdaman ko kanina at muling napalitan ng saya at hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nang maramdaman kong inilayo niya ang kaniyang labi ay ipinagdikit niya ang aming noo at ngumiti ng matamis.

"I was always prone to making dumb mistakes, but I never really cared. But breaking your heart is something I cannot accept..."

Unti-unting nanumbalik ang saya sa puso ko ng sinabi niya iyon. Parang kanina lang ay halos durog na durog ang puso ko dahil sa pamilya ko. Pero ngayon lahat ng yun ay napawi dahil sa isang matamis na ngiti ng lalaking nasa harap ko.

Napangiti ako sa sinabi niya. Inilayo niya ang aming mukha at muling hinawakan ang aking kamay.

"I'll promise buen. Babawi ako sayo.." Hinawakan ko ang kaniyang mukha.

"Hindi na kailangan Eluisar. Ako ang dapat bumawi sayo dahil sa ginawa ko sayo noon." Hinawakan niya ang aking kamay na nasa kaniyang mukha.

"No. Ako ang babawi sa lahat ng ginawa ko sayo buen. I let you suffer to much just because of my stupid ego." Malamlam ang kaniyang mga mata habang sinasabi iyon.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kaagad akong napabitaw sa kamay niya at sinagot ang tawag at tumalikod sa kaniya

"Hello?"

"Nasaan ka ba!?" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa tinis ng boses ni Keit.

"Bakit?" Inis na tanong ko. Panira ng moment!

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon