Special Chapter

177 16 12
                                    

Buen...

"Happy Birthday Mommy!" Napangiti ako ng lumapit sa akin si Elias at hinalikan ako sa pinsgi.

"Thank you baby." I pinched his cheeks.

It's been a months since bumalik ako kasama si Elias. Aaminin kong hindi naging madali para sa akin na ayusin ang sarili ko. Kahit si Elias noon ay hindi ko naalagaan ng maayos dahil palagi akong emosyonal. But papa and mama helps me to recover. Yes they know kung nasaan ako. Humingi si papa sa akin ng tawad. Beatriz also know kung nasaan ako noon. Siya rin mismo ang nagsabi sa akin na hindi si Eluisar ang ama ng dinadala niya.

"Buen may bisita ka." Napatingin ako kay tita tessie.

Oo dito na siya nagtatrabaho at kasama niya si mang ben bilang driver namin ni Elias pag wala si Eluisar.

"Ikaw na muna ang bahala kay Elias." Ngumiti ako rito at nagtungo na sa sala.

Doon naabutan ko si Alexa na nakaupo.

"Happy Birthday Buen.." Ngumiti ito sa akin. Nagulat ako ng tumayo ito at niyakap ako. "Sorry Buen.. Patawarin mo ako kung hindi ko inintindi ang sitwasyon mo noon." Humiwalay ito sa yakap at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Alam ko noon pa na gumamit na si kuya ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong yun ang nagbibigay sa kaniya ng saya dahil sa pagkawala ni mama. Kaya buen sana mapatawad mo ako."

"Masiyado kang madrama." Tumawa ako ng mahina at pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Matitiis ba kita? Siyempre hindi!"

"Ikaw pa rin talaga ang buen na kilala namin noon kahit nawala ka ng tatlong taon."

"Nah! I love myself right now than before no! Mas maganda kasing balanse ang pagmamahal para sa huli hindi ka nasasaktan."

"Dami mong alam." Tumawa ito at muli akong niyakap.

"Ilang buwan ka ng buntis?" Napangiti ako sa tanong niya at hinawakan ang tiyan ko.

"Tatlong buwan na."

"Ambilis ah parang anim na buwan pa lang kayong nagkabalikan." Nakangising sabi nito.

"Ganon talaga. Ikaw kailan mo balak mag-asawa? Malapit ng lumampas sa kalendaryo ang edad mo." Tanong ko dito.

Natahimik naman ito sa sinabi ko.

"Buen!" Napatingin kami sa pintuan ng pumasok doon si mikki dala ang anak.

"Mikki!" Tumayo ako at sinalubong sila.

"Happy Birthday Buen!" Ngumiti ako.

"Thank you mikki."

"Happy Birthday tita!" Bati ni kurt sa akin.

"Thank you kurt."

"Where's Elias po tita?" Tanong ni Kurt

"Nandon sa kitchen." Dali-dali itong bumitaw sa kamay ni mikki at tumakbo sa kitchen kaya natawa kami.

"Nasan si manolo." Nakita kung umiwas ito ng tingin sa akin.

"Nasa asawa niya..."

"Mikki..."

"OMG! buen may mango float ka?"

Tumango ako dito. Alam kong iniiwasan ni mikki na masaktan kaya mas mabuting wag na naming pag-usapan pa ang relasyon nila ni manolo.

"Si keit pupunta bah?"

"Hello Everyone!" Sabay kaming napatingin sa entrance ng pumasok doon si keit. Pumayat ata siya ngayon?

"Oi keit!" Kaagad siyang pinuntahan ni mikki at hinila.

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon