Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil nanadito sa harapan ko si Eluisar. Walang emosyon niya akong tiningnan. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin patayo.
Bakit ba ang hilig manghila ng lalaking to!
Tulad nong isang araw ay marahas niya rin akong ipinasok sa kotse niya. Wala masyadong tao sa parking area ng mall kaya walang nakapansin na parang kinikidnap ako.
Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ako nagsalita dahil baka ikamatay ko pa. Lagi kong ipinagdadasal na sana ay mapatawad ako ni Eluisar sa ginawa ko sa kaniya. Alam kong masakit at malalim ang sugat na iniwan ko sa kaniya noon. Kaya nandito ako ngayon at hinahayaan siyang tratuhin ako ng ganito. Kung ito lang ang paraan para mapatawad niya ako sa mga nagawa kong kasalanan sa kaniya, ay titiisin ko.
Napabalikawas ako ng biglang mag ring and cellphone ko sa bulsa ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang matalin na tingin ni Eluisar. Dali-dali kong pinatay ang tawag ni Keit sa akin. In-off ko na rin ang cellphone ko dahil baka bigla akong tumalsik sa labas ng kotse.
Ilang minuto rin ay pumasok ang kotse sa isang malaking gate. Ipinark ito ni Eluisar sa isang malawak na bakuran. Nang bumaba si Eluisar ay kaagad na rin akong bumaba. Bumungad sa akin ang napakalawak na bakuran, malaking bahay, at ang ganda ng nasa paligid. Napatanga ako dahil sa nakita ko. Inilibot ko ang aking paningin at napansing kami lang ang tao doon.
Naglakad siya papasok ng bahay kaya sumunod ako. Maging sa loob ng bahay ay napakaganda. Mula sa tiles nito na halos pwede ng maging salamin, Sa mga disenyo nito na sobrang ganda! Halatang gawa ito sa milyones o di kaya ay bilyon!
Dumiretso si Eluisar sa kusina. Nakita kong nagsalin siya ng alak at kaagad ininom ito. Nanlaki ang mata ko ng tingnan niya ako at ibinaba ang baso sa counter bar. Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang matalim na nakatingin. Akala ko ay babanggain niya ako pero umupo lang siya sa sofa sa living room. Nagulat ako ng may kinuha siya sa gilid non at kaagad nanlamig ang buong sistema ko ng makita ang baril. Itinutok niya ito sa akin habang walang emosyon ang mga mata.
" Three seconds." Sabi niya saka ikinasa ang baril.
"Three..." Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
"Two..."
No! ayaw ko pang mamatay!
"One..."
Napasigaw ako ng marinig ang putok ng baril sa gilid ko. Nang muli niya itong itutok sa mukha ko ay kaagad akong lumuhod.
"N-nagmamakaawa ako Eluisar. Gagawin ko ang lahat mapatawad m-mo lang ako." Nanginginig na sabi ko.
Nakita kong tumalim ang titig niya sa akin at bigla akong sinampal ng malakas kaya natumba ako. Kaagad kong nalasahan ang dugo sa bibig ko na nagmula sa gilid ng labi ko.
"Walang kapatawaran ang ginawa mo, Buen." Rinig kong sabi niya. Marahan kong pinahid ang dugo sa labi ko at lumuhod sa harapan niya.
" Ayaw kong mamatay ng hindi mo pa napapatawad, Eluisar." Umiiyak na
sabi ko.Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Ngunit kaagad itong napalitan ng masamang tingin. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin. Bigla niyang hinawakan ang panga ko at itinutok ang ang baril sa ulo ko.
"How dare you begging for my forgiveness! After what you've done!" Diniin niya ang baril sa ulo ko kaya napapikit ako.
"P-pangako, Gagawin ko ang lahat Eluisar." Umiiyak na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Darkest Secret (Collide Series#1)
RomanceBuen's life is surrounded by many dark secrets. As time passed by, It is revealed one by one. This cause her to lose everything and also her downfall and failure. Can she still get up? Or she just simply accept the punishment that she has bee...