"Talia, tara na.!!" si Mimi at si Becky naghihintay na sa labas. Ngayon kasi kami mamasyal.
"ok, tara na."
Naglakad na kami, hindi uso ang mga Tricy, at jeep ditto eh. Kase halos makikita mo lang mga cars may mga ilan ding single motor pero karamihan ng makikita mo mga cars, at saka Bikes. Eco-friendly lang.
Ngayon naglalakad kami papunta sa Port. Yun yung tawag nila sa mga local na pamilihan sa may tabi ng dagat. Pagdating namin, may mga coffee shops, bakery, at iba pang stores. Sabi din nila Becky kapag may mga activities, or parties sa boathouse o kaya ditto sa port ginaganap.
Grabe ang lamig dito, an gaga pa kasi anong oras palang 6:50 a.m. hindi na ako nag abalang mag breakfast, kasi niyaya nila akong mag waffle sa isang Diner.
Patungo na kami ngayon sa Diner. Pagdating namin hindi karamihan ang tao. At halos lahat nagkaka kape. Umupo na kami sa table sa tabi lang ng bintana. Saka may lumapit na babae sa amin at binigyan kami ng menu.
"good morning ma'am, ano pong order ninyo?"
"Talia, anong o-orderin mo? Treat ka namin."
"coffee nalang saka blueberry waffle."
"yun din ang order namin, dagdagan nalang natin ng bacon at rice."
"sige."
Saka umalis na ung babae, at kinuha yung mga order namin. After seven minutes dumating na yung mga inorder namin. At sinimulan na namin ang pagkain.
"Talia, paano ka pala napadpad dito?" si Mimi.
"can I trust you guys?"
"oo naman kami pa."
"anak ako ng isang mayaman, dalawa kaming magkapatid. Ang kuya ko at ako. Pagdating ng kuya ko ng 21 makukuha na niya ang mana niya dahil yun ang nasa requirements at ako naman pagdating ko ng 18."
"at ang paglipat sa town na to at ang pag aaral at pagtratrabaho ay isa sa mga kailangan kong gawin para makuha ko ang mana."
"ayoko nga sang gawin to, kaya lang kapag hindi ko nakuha ang mana mapupunta sa iba. at ma di-disowned ako."
"whaaaaaaaat..... disowned kaagad! Hindi ba pwedeng palayasin muna." Si Becky.
"gaga, parehas lang yon." Si Mimi.
"grabe naman ang pamilya mo. Ang superb!!!" si Becky na naman.
"teka, ano nga ulit name mo? Real name?" si Mimi.
"Natalia Ramirez"
"teka, Natalia, Natalia Ramirez.......... 0.0 wehhhhhhhhhhhh....... Ikaw!!!! Kayo ang may ari Remierre!?" [remiyerre]
"oo, eh."
"woah, ang Remierre kilala dahil sa mga works nila. From houses, hotels, sikat na schools, to fashion, ang mga boutiques pang sosyal talaga, ang mga cars, and other gadgets. To everything!!!."
"wow, diko akalain na ganun ka pala kayaman."
"hindi pa ako ganun kayaman ngayon.... Pero sa totoo lang, hindi ko kailangan ang ganong yaman."
"sa buhay ko kase, lumaki ako ng laging nasa loob lang ng mansion. Nag ho-house schooling din ako, walang makalaro, lumaki ako ng seven years old palang kailangan ko ng maging ang taong gusto nila. Lumaki ako na laging taga sunod lang sa mga utos."
"ang sad mo naman That kind of life buti nakaka tagal ka pa.... ibig sabihin hindi ka pa nagkaroon ni isa ng friend?"
"actually, you guys are the first one I had." Ngumiti ako sa kanila.
"talaga!!!!" tumayo si Mimi at Becky saka ako hi-nug.
"so, hanggang kailan ka ditto?"
"maybe, hanggang matapos ko ang high school."
"talaga!!!???"
Pagkatapos naming kumain at nagkwentuhan tumungo kami sa park, at naglakad lakad. Pumunta narin kami sa pinaka centro ng town kung nasaan ang shopping center. At nag window shop kami. Sumunod na pinuntahan namin ang lugar na tinatawag nilang Mystic Hill naroon kasi ang mga fuits and vegetables na fresh. Namili narin kami ng fruits, apple at strawberry lang binili ko na worth 50 pesos lang. ang mura dito.
Saka kami dumaan sa isang bakeshop at bumili ng chocolate cake. Napag isip isip ko ding mag party muna ngayon. Saka kami dumaan sa isang meatshop para bumili ng karneng pang barbeque. Sa dami ng pinuntahan namin inabot na kami ng 5:47 p.m. kaya umuwi na kami.
Pagdating ko sa bahay hinanda ko na yung pang barbeque at yung chocolate cake. Hinanda ko na rin yung table na kakainan namin. After kong maghanda, tinawag ko na sila Mimi. At may dala silang alak.
"ano yan?"
"alak, obvious ba?"
"bakit? Iinom kayo?"
"hindi kami iinom. Tayo ang iinom"
"hindi ako marunong uminom"
"wag kang mag alala, hindi rin kami marunong saka mild lang naman tong alak. Kaya nga dalawang bote lng yung kinuha namin para hindi tayo malate bukas. Saka baka isa lang ang ma inom natin noh."
"O, sige" buti nalang 7:30 pa ang simula ng klase ko.
Nagsimula na kaming uminom at mag ihaw. Si Becky naman nilagyan ng isang candle yung cake saka sinindihan.
"welcome party! Para sa bagong lipat at bagong friend natin na si Natalia!!"
Hinipan ko naman ang apoy.... It's my first time having friends. Well actually si kuya friend ko kaya lang lagi na siyang wala. I miss my Brother.
"thanks!"
"oh, we forgot to tell you our real names!"
"I'm Michelle Santiago." So, Michelle pala ang real name nii Mimi.
"I'm Beattanie Ignacio." What!!! ang layo naman nun sa Becky ha....
"alam, ko ang iniisip mo. Ang layo ng totoong pangalan ko sa Becky. Wag mo nang itanong hindi ko din alam eh."
At nagtawanan kami. Nagkwentuhan na din kami hanggang sa 8:15 p.m. na isang bote palang ng alak ang naiinom namin. At wala na kaming balak inumin pa yung isang bote. Gabi na kaya bumaba na sila Mimi. Ako naman nag ayos na at nag shower. Saka natulog.